Misis, kulong matapos pakialaman ang cellphone ni mister

Misis, kulong matapos pakialaman ang cellphone ni mister

- Kulong ang katapat ng isang misis sa UAE matapos nitong gamitin at pakialaman ang cellphone ng mister

- Mahigpit na pinagbabawal sa bansang iyon ang pakikialam ng gamit na si sayo kahit pa kayo ay mag-asawa

- Tatlong buwang daw ang bubunuin ng misis sa kulungan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Lingid sa kaalaman ng nakararami na labag sa batas ng UAE ang pangingialam ng gamit na di iyo dahil sa "invading of privacy" daw ito.

Nalaman ng KAMI na kahit pa gamit ng asawa mo at di ka humingi ng pahintulot na pakialaman o gamitin ito ay paglabag na sa kanilang batas.

Gaya na lamang ng isang misis sa Ras Al Khaimah sa UAE na makukulong ng tatlong buwan sa pangingialam ng cellphone ng kanyang mister habang natutulog ito.

Misis, kulong matapos pakialaman ang cellphone ni mister

Ayon sa The Filipino Times, nagreklamo sa pulis ang mister nang malaman niyang nabubuksan ng kanyang misis ang kanyang cellphone. Di lang ito, kiukunan pa raw ng kanyang asawa ang mga naging usapan nito sa ibang tao.

Pinadadala raw ng misis a mga kamag-anak ng mister ang mga larawan ng usapan nito mula sa cellphone.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Depensa ng misis, pinahintulutan naman siya ng kanyang mister na malaman ang password ng cellphone dahil minsan na rin daw itong nagloko at nakipag-chat sa ibang babae.

Ngunit di pa rin daw tinaggap ng korte ang katwiran na ito ng misis.

Ayon kasi sa privacy law ng UAE, illegal daw talaga ang pangingialam ng phone na walang paalam o permiso sa may-ari.

Lahat daw ng lalabag sa batas na ito, maaring makulong ng hanggang anim na buwan at magmumulta ng mula Dh150,000 and Dh300,000.

Do you think you can answer them correctly? These individuals from the Philippines have their answers! What Does Monkey-Eating-Eagle Eat? Filipinos Answer Tricky Questions Tagalog: What Does Monkey-Eating-Eagle Eat? | HumanMeter on KAMI Youtube channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
Opisyal ng brgy., nangikil ng pera at baboy para daw sa Xmas party

Opisyal ng brgy., nangikil ng pera at baboy para daw sa Xmas party

Opisyal ng brgy., nangikil ng pera at baboy para daw sa Xmas party
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel