Mag-ingat! 5 paraan paano mapoprotektahan ang iyong Facebook account

Mag-ingat! 5 paraan paano mapoprotektahan ang iyong Facebook account

Noon lamang nakaraang linggo, milyon nilyong palang Facebook user ang nakaranas ng kusang pag-logout ng account.

Napag-alaman ng KAMI na ito pala ay bahagi ng seguridad ng mismong Facebook team sa kanilang nasa 50 milyon na subscribers dahil umano sa 'hacking' o security breach.

Upang makasigurong walang pribadong impormasyon ang makula sa mga subscribers, minabuti raw ng Facebook na i-reset ang mga accounts na hinihinalang apektado ng hacking.

Dahil dito, pinaiigting ang ibayong pag-iingat ng mga facebook users upang ma-protektahan ang kani-kanilang mga facebook accounts.

Narito ang limang paraan upang masigurong di basta basta maha-hack ang iyong Facebook.

1. Sa panahong biglang nagkusang nag-logout ang account, mas mainam na magpalit agad ng password.

2. Sa pagpili ng password, mainam na gumamit ng mga numero bukod sa letra at pumili ng kahit isang letra na malaking titik o capital letter upang di agad na mahulaan ang iyong kombinasyon.

3. I-unlink ang ibang application sa facebook lalo na ang mga himihingi ng credit card information.

4. Pumunta sa "Settings and Privacy" upang ma-check ang mga devices na nag-log in gamit ang iyong account. Kung mayroong device o gadget na di iyo, agad na mag-log out sa lahat ng device at magpalit muli ng password.

5. Pinapayuhan din na sumamit ng two-way verification kung saan bukos sa password ay mayroon pang 4-digit na code na ipadadala ng facebook sa cellphone number ng user. Kaya bago ito tuluyang maka-log in, kailangan muna niyang maipasok ang tamang code.

Bukod dito, ibayong pag-iingat din sa mga bagay na binabahagi sa iyong Facebook profile. Hanggang maaari, limitado lamang ang impormasyon na iyong ibahagi para na rin sa iyong seguridad.

Do you think you can answer them correctly? These individuals from the Philippines have their answers! What Does Monkey-Eating-Eagle Eat? Filipinos Answer Tricky Questions Tagalog: What Does Monkey-Eating-Eagle Eat? | HumanMeter on KAMI youtube channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
Celebrities across the globe cheering for Miss Universe Philippines Catriona Gray's 'lava walk' with the 'slow-mo twirl'

Celebrities across the globe cheering for Miss Universe Philippines Catriona Gray's 'lava walk' with the 'slow-mo twirl'

Celebrities across the globe cheering for Miss Universe Philippines Catriona Gray's 'lava walk' with the 'slow-mo twirl'
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel