Nagharap na! Biyenan, Engr. Detic at asawang pinakulong sa mental nagtuos, kampo ng DSWD nagsalita na rin
- Nagharap na si Queenie at ang biyenan niyang babae kasama ang pamangkin nito
- Nagkapalitan sila ng maaanghang na salita at pinakita ng kampo ng lalake ang mga dokumento galing sa mental ospital
- Humabol si Engr. Detic upang makipag-areglo kay Queenie tungkol sa sustento ng bata
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Nagharap na sina Queenie at ang biyenan niyang babae, na isinama ang pamangkin niya, sa tanggapan ni Raffy Tulfo.
Maaalalang sa isang ulat ng KAMI na pumunta si Queenie kay Raffy Tulfo dahil hindi sinusustentuhan ni Engr. Michael Detic ang anak nila.
Bukod dito, nagsumbong si Queenie na nang gusto na niyang umuwi, dinala siya sa mental hospital imbes na sa airport.
Sa mental ospital ay di raw siya inassess bagkus pinakulong na lang nang deretso at tumigil siya doon nang tatlong araw.
Ayon naman sa biyenang babae at pamangkin nito, hysterical na daw si Queenie noon at gustong magpasagasa.
Kaya raw siya dinala sa mental ospital. Salungat sa sabi ni Queenie na isang nag-OOJT sa Mandaluyong Hospital ang nag-claim sa kanya, sabi ng kampo ni Detic ay sila raw ang nagpalabas kay Queenie.
Habang nagkakasagutan ang dalawang panig, tumawag ang DSWD at pinatunayan ang sinabi ni Queenie.
Vinerify niya na nagpasuri nga si Queenie sa PGH at sa UST na isang pribadong ospital.
PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!
Yung ini-insist pa ng pamangkin ng biyenan ni Queenie na dapat yung records lang at pagsusuri ng Mandaluyong Hospital ang basehan ni Queenie.
Sa bandang ito, pinanigan ni Tulfo si Queenie dahil karapatan ni Queenie na kumuha ng second opinion, even third, kung di siya satisfied sa isang doktor o hospital.
Ayon kay Queenie kumuha siya ng second at third opinion dahil may sabotage daw doon sa Mandaluyong.
Sa huli, humabol si Engr. Detic at hinarap si Queenie at pinag-usapan ang sustento ng bata.
Panoorin ang mainit nilang paghaharap!
Tricky Questions: Can you translate this into English? on Kami YouTube channel This video shows the ability of Filipinos to translate sentences hurled at them into the universal English language.
Source: KAMI.com.gh