Lola ni Jake Zyrus, hindi na makakita dahil sa mild stroke

Lola ni Jake Zyrus, hindi na makakita dahil sa mild stroke

- Pansamantala palang nawalan ng paningin ang lola ni Jake Zyrus

- Nasa Sta. Rosa Hospital pa rin hanggang ngayon si Tess Pineda dahil sa mild stroke

- Nalulungkot pa rin ito dahil hindi pa rin nakakadalaw ang apong si Jake

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ayon sa ina ni Jake Zyrus na si Raquel Pempengco, nawalan umano ng paningin ang kanyang ina dahil sa mild stroke.

“Naputukan siya ng ugat sa ulo, kaya nagkaroon siya ng mild stroke. Ang effect nun, nawalan siya ng paningin.

“Na-mild stroke siya, pero ang nadale sa kanya yung ugat… yung sa paningin niya, pumutok ang ugat dun sa mata niya.

Gayunpaman, may chance pa na muling bumalik ang kanyang paningin ngunit baka matagalan pa daw ito.

“May chance daw makakita pero matagal, unti-unti o baka hindi pa siya makakita."

Dagdag pa niya, pinapabawasan nila ang mga dumadalaw sa kanyang ina upang maiwasang malungkot ito kapag naalalang hindi pa nakakadalaw ang paborito niyang apo.

Pati daw ang manager ng anak ay tinawagan at tinext na rin ni Mommy Raquel ngunit wala daw itong sagot.

Kahit hindi na magbigay ng pera, ang nais lamang umano ni Mommy Raquel ay mapagbigyan ni Jake ang hiling ng kanyang ina na muli itong makita.

“Siyempre ang ini-expect namin, kahit meron o walang perang ibibigay, yung presence na lang niya na dalawin yung paborito niyang lola, kaisa-isa niyang lola na totoo,” sabi ni Raquel.

Nagawan na umano ng paraan kahit papano ang bills nito sa ospital.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Nakakapagsalita na raw ngayon si Lola Tess, at malaki na ang improvement niito, at umaasa silang mabalik agad ang kanyang paningin.

Si Jake Zyrus ay unang nakilala bilang si Charice Pempengco. Sumikat siya matapos sumali sa isang singing contest sa ABS-CBN. Hindi man naging grand winner, sumikat siya sa buong mundo at nakapag perform kasama ang ilang bigating international stars.

Filipinos Answer Funny Tricky Questions Tagalog: Who Is Neil Armstrong? | HumanMeter

Do you think you can answer them correctly? These individuals from the Philippines have their answers!

Click “Play” and find out the answers to these tricky questions from the Tagalog speakers

Source: Kami.com.ph

Related news
"Spoiled ate," Alma Concepcion sa bonggang treat ng pilotong kapatid

"Spoiled ate," Alma Concepcion sa bonggang treat ng pilotong kapatid

"Spoiled ate," Alma Concepcion sa bonggang treat ng pilotong kapatid
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel