Nanalo nga ba? Lolo na nanalo daw ng 89 million sa lotto, naloko raw ng tinayaan niya

Nanalo nga ba? Lolo na nanalo daw ng 89 million sa lotto, naloko raw ng tinayaan niya

- Binahagi ni Lolo Edilberto Flores ang masaya sana ngunit nauwi sa walang pagkapanalo sa lotto

- Naloko di umano siya ng tinayaan niya at kinuha na lamang ang tiket na dapat ay sa kanya

- Kalaunan, lumabas ang katotohanang di naman daw talaga si lolo Berto ang nanalo ng mahigit na 89 million sa lotto

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Disyembre 4, 2015 nang inakala ni lolo Edilberto Flores na magbabago na ang kanyang buhay. Siya lang naman raw kasi ang mamakaisang naka-jackpot sa lotto kung saan mahigit ₱89 million.

Nalaman ng KAMI na napulot lang ni lolo Berto ang tiket na mayroon nang mga naguhitang numero.

Dahil nga sa di naman siya marunong tumaya, tumungo siya sa outlet ng lotto at doon tinayaan ang mga numero.

Kinabukasan, laking gulat niya na lumabas sa dyaryo na nanalo ang numero na kanyang tinayaan. Sa takot na kunin ang ganoong kalaking pera, nagtungo daw si lolo Berto sa may-ari ng tinayaan niyang outlet at doon nagpatulong upang makuha ang panalo.

Close naman daw sila ng may-ari ng lottohan na si George kaya buo ang tiwala ni lolo Berto dito. Pinapirma daw ni George si lolo Berto sa tiket at sinabing luluwas sila pa sila para makuha ang napanalunan.

Binalita ni lolo Berto ang magandang balita sa kanyang mga kaanak at agad namang hinanap ng mga kaanak niya ang tiket. Humantong pa sa pag-aaway nila ng kanyang kinakasama nang sabihin ni George na wala sa kanya ang tiket at ipinagkatiwala niya ito kay George.

Kinabukasan, nagtungo pa sina lolo Berto sa bahay nina George at hinanap na nito ang tiket.

Pinagpilitan ni George na wala raw sa kanya ang tiket at wala ring binibigay si Berto sa kanya.

Nagkaroon pa sila ng hearing sa barangay, ngunit mariin pa ring sinabi ni George na walang binibigay na tiket si Berto sa kanya.

Sa mga sumunod na hearing, di na nagpakita si George dahilan para lalong tumaas ang duda nina lolo Berto na siya ang nag-claim di umano ng malaking halaga ng pera.

Sumunod pa rito ang mga ari-arian ni George na padagdag ng padagdag. Dating 1 naging 5 daw ang lotto outlet nina George, nagkaroon ito ng sasakyan at nakapagpagawa pa raw ng bahay.

Ito raw ang mga ebidensya na nagkamal ng malaking halaga ang may-ari ng lotto outlet.

Tinulungan ng progrmang Kapuso mo Jessica Soho sina lolo Berto. Unang kinausap ng programa si George, ngunit gaya ng una nitong nasabi, walang tiket na binigay si Berto sa kanya.

Narito ang video na nakuha ng KAMI sa Youtube:

Sumunod ay ang pagkumpirma ng KMJS sa mismong tanggapan ng PCSO. Nlaman nila na mayroon ngang 1 nanalo noong Disyember 4, 2015. Sa kasamaang palad, ang nanalo raw ay tumaya sa outlet sa Quezon City.

Napahagulhol na lamang sa pag-iyak si lolo Berto nang malaman ito. Matapos ang halos 3 taon, noon lamang niya natanggap na di siya ang nanalo sa lotto.

Tinulungan na ring magkaayos ng KMJS sina lolo Berto at si George na "Daddy" o "Dy" pa ang naging tawagan nila sa isa't isa.

The new virus has been spreading all over the planet. It’s called "In My Feelings" Challenge, or Drake Dance Challenge. s. Read KAMI news while saving your data!

The new virus has been spreading all over the planet. It’s called "In My Feelings" Challenge, or Drake Dance Challenge. KiKi Do You Love Me Drake Dance Challenge Part 2 | Drake - In My Feelings Challenge | HumanMeter on KAMI Youtube channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
Kris Aquino, may nakakagulantang na mensahe para kay Nicko Falcis

Kris Aquino, may nakakagulantang na mensahe para kay Nicko Falcis

Kris Aquino, may nakakagulantang na mensahe para kay Nicko Falcis
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel