Katulong na paalisin na lamang ng amo dahil nagnakaw, pupuslit pa rin sana ng mamahaling gamit

Katulong na paalisin na lamang ng amo dahil nagnakaw, pupuslit pa rin sana ng mamahaling gamit

- Binahagi ng isang amo ang paghuli mismo niya sa kanyang katulong na di umano ay isang magnanakaw

- Pinabarangay nila ang kasambahay at paalisin na lamang sana nila ngunit nagtangka pa rin itong magnakaw ng mga mamahaling alahas at ilang gamit na madadala pa niya

- Magsilbi daw itong babala sa mga pamilyang may kasambahay lalo na at bihasa na rawa sa pagnanakaw ang babaeng iyon

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nag-viral ang post ng isang netizen na si Jansen Satparam kung saan pinakita kung paano nila nahuli mismo ang katulong na nagsilid pa di umano ng ilang gamit nila bago pa ito umalis.

Nalaman ng KAMI na labis na nadismaya ang pamilya ni Jansen dahil kumpiyansa sila sa katulong na kanyang nakuha dahil nagmula ito sa agency.

Ayon pa sa post, nagbayad sila ng PHP8,500 sa agency at sumasahod ang kasambahay nila na iyon ay sumasahod ng 8,000PHP.

Labis silang nadismaya nang natuklasan nila kung gaano na kabatikan sa pagnanakaw ang kasambahay na nakilalang si Mary Ann Bawik.

Nai-report na ni Jansen ang insidente sa barangay at paalisin na sana nila ng maayos si Mary Ann. Para sigurado, bago umalis, kinapkapan muna si Mary Ann at doon nakuha ang ilang naipuslit pa rin niyang mamahaling gamit gaya ng relo, bracelet at iba pa. Nakuha ang mga ito sa bulsa ng pantalon ng kasambahay.

Bukod dito, natagpuan din sa bag ni Mary Ann Ang ilang pirasong damit ng amo. Minabuti ring tingnan ng mga amo nito na busisiin ang mga bulsa ng mga damit ni Mary Ann upang masiguro na wala na itong naipuslit pang gamit mula sa kanila.

Nilarawan nina Jansen na isang batikang magnanakaw si Mary Ann dahil sa mga nagawa niyang ito sa kanila.

Magsilbi raw itong babala sa mga pamilyang may kasambahay na mas maging maingat sa pagtitiwala sa mga taong pinapatuloy nila sa kanilang tahanan.

The new virus has been spreading all over the planet. It’s called "In My Feelings" Challenge, or Drake Dance Challenge. KiKi Do You Love Me Drake Dance Challenge Part 2 | Drake - In My Feelings Challenge | HumanMeter on KAMI Youtube channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
May inggit? Maine Mendoza, nabadtrip sa tumira sa bag niya

May inggit? Maine Mendoza, nabadtrip sa tumira sa bag niya

May inggit? Maine Mendoza, nabadtrip sa tumira sa bag niya
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel