Buntis ba talaga? Netizen, kinuwestiyon ang pagbubuntis ng piskal sa '5-minutes' viral video

Buntis ba talaga? Netizen, kinuwestiyon ang pagbubuntis ng piskal sa '5-minutes' viral video

- Kinuwestiyon ng isang netizen ang pagbubuntis ng piskal na nakilalang si Christine Estepa na nasa viral video kung saan nakipag-argumento ito sa ilang MMDA enforcers

- Nagpakita ang netizen na si Mandy Viray ng isang post ni Christine tungkol sa isang aktibidad na di maaring magawa ng buntis

- Marahil din daw ay naghintay lamang si Christine ng sapat na oras para makarating ang mister na siyang may dala ng kanyang lisensya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Matapos ang ingay na idinulot ng kontrobersyal na '5 minutes girl' viral video na kinasasangkutan ng nakilalang piskal na si Christine Estepa at MMDA enforcers, tila umalma ang mga netizens sa idinahilan na 'pagbubuntis' ng piskal.

Nalaman ng KAMI na isang facebook user na nagngangalang Mandy Viray ang tila inalisa ang pangyayari at naabutan pa ang ilan sa mga post ng piskal bago pa ito tuluyang maging pribado.

Tila ba ay naging 'imbestigador' nang wala sa oras si Mandy nang ipakita niya ang mga post ni Christine na nagpapakita na sumali pa ito sa isang marathon, 1 linggo bago ang insidente sa parking.

Dito palang, nakapagtataka dahil sa dalawang linggo na iyon imposibleng idahilan ng piskal na di pa niya noon alam na siya ay buntis.

Pinakita pa ni Mandy na ang pace na itinakbo ng piskal ay di rekomendado sa buntis.

Inalisa din ni Mandy ang reply post ni Estepa patungkol sa mga tumitingin ng profile niya sa facebook.

Kung totoo man daw na dinugo si Estepa paanong agad itong naka-recover at nakapagngitngit muli sa kanyang post, bagay na iniiwasan dapat ng isang buntis na nagpahinga na lamang sana.

Marahil din daw na maaring pinahaba lamang ni piskal Estepa ang diskusyon sa MMDA para mahintay ang mister na siyang may dala ng kanyang lisensya ayon sa pinoytrend.net.

Kaya naman nang dumating ang mister na noon ay nanggagalaiti sa galit at nakuha pang magmura, natapos ang usapan, natiketan si Estepa at nakaharurot pa sila ng alis.

Samantala, ayon naman sa post ng facebook page na Thinking Pinoy na nakakuha ng larawan ni Estepan mula sa aktwal na pakikipag-argumento nito sa MMDA, mukha naman daw talaga itong buntis.

Gumawa ng ingay ang post ng Gadget addict kung saan nakunan ng video noong Agosto 14 ang pakikipagtalo ng buntis na driver sa mga MMDA enforcers patungkol sa illegal parking violation nito.

Nauwi sa mainit na pagtatalo at naging kontrobersyal pa ito dahilan sa prosecutor pala ang driver ng sasakyan.

Naghain na ng pagsasampa ng kaso ang MMDA sa mag-asawang sina Macky at Christine Estepa kahit pa ito ay nagpahayag na ng public apology na nauna nang naibalita ng KAMI.

The new virus has been spreading all over the planet. It’s called "In My Feelings" Challenge, or Drake Dance Challenge. KiKi Do You Love Me Drake Dance Challenge Part 2 | Drake - In My Feelings Challenge | HumanMeter on KAMI Youtube channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
Pretty! Heart Evangelista, isa sa napiling favorite faces ng Kate Spade sa NYFW

Pretty! Heart Evangelista, isa sa napiling favorite faces ng Kate Spade sa NYFW

Pretty! Heart Evangelista, isa sa napiling favorite faces ng Kate Spade sa NYFW
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel