Guro, nakunan ang aktong pananakit di umano nito sa kanyang estudyante

Guro, nakunan ang aktong pananakit di umano nito sa kanyang estudyante

- Viral ngayon ang video ng isang may edad ng guro na nambato raw at nanakit ng kanyang estudyante

- Nakunan ng video ang aktwal na pananakit di umano ng guro sa estudyante niyang lalaki pa naman habang sumasagot ito sa kanilang blackboard

- Umani ng iba't ibang reaksyon ang video at karamihan ay pagkamuhi sa guro

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Dala ng teknolohiya at maging ang mga estudyante ay malaya nang nakakapagdala ng mga gadgets nila sa paaralan, madali nang makunang ng larawan o video ang mga nagaganap sa kanila sa loob ng silid-aralan.

Gaya na lamang ng viral video na binahagi ng netizen na si Ernie Sagabaen De Vera kung saan makikitang binato ng isang may edad nang guro ang kanyang estudyante.

Nalaman ng KAMI na nakuha raw ni Ernie ang video sa Trending files na naging viral kamakailan.

Makikita sa video ang aktwal na pambabato at pananampal ng guro sa estudyante niyang lalaki na tila ba ay may sinasagutan sa pisara.

Bagaman at tila nasa high school o kolehiyo na ang binatilyong estudyante, maling mali pa rin daw ang pananakit na ginawa ng guro sa rito.

Samantala, di maiiwasang magngitngit sa galit ang mga netizens na nakapanood ng video.

Narito ang ilan sa kanilang mga reaksyon:

"Pasalamat ka teacher malaki ang respeto nya sayo,. Matanda kpa nman . .kung tutuusin kayang kaya ka nyang i lampaso sa lupa,.huwag po sanang abusuhin kung ano man ang authority mo jan sa classroom.. Huwag po sana idaan sa galit,kung ano mn ang kahinaan nya ,paalala lng andyan ka po para turuan ang mga studyante mo, 'di po yan target area na kung saan pwede mong batuhin ng kung ano-ano"

"Maam dapat turuan mu ng dahandahan hindi ganyan kc masakit pag nakita ng magulang sa anak nya kahit po kayo kng may anak kayo na ganyanin baka kayo dn magalit guro po kayo turuan nyo ng mabuti or dahandahanin nyo para makuha ng bata po ok po ba maam"

"Sira yata ang teacher na yan! Kailangan yan dalhin sa mental hospital. Depende sa nagtuturo para matoto ang studyante."

"di dpat ganito ang guro..kailangan ipatanggal na yan sa serbisyo..niya pati license niy bilang guro"

"Naalala q nung high school aq na binato aq ng titser kong bakla ng libro dahil late aq, sa sobrang hiya at galit q, binato q yung isang silya sa kanya, at hinabol q xia hanggang principal office,"

Umani na ng 178,000 views at 8,200 shares at 512 na komento ang naturang video.

This episode is dedicated to a very important issue – the safety of our children. Filipino Kidnapping Social Experiment: Are Your Children Safe? | HumanMeter on KAMI Youtube channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
Dance troupe sa Quezon city, nagpauso ng 'Nanay, Tatay' dance craze na may petmalu na twist!

Dance troupe sa Quezon city, nagpauso ng 'Nanay, Tatay' dance craze na may petmalu na twist!

Dance troupe sa Quezon city, nagpauso ng 'Nanay, Tatay' dance craze na may petmalu na twist!
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel