Kaibigan ni Kyline Alcantara umalma sa isyung inahas niya si Miguel Tanfelix kay Bianca Umali

Kaibigan ni Kyline Alcantara umalma sa isyung inahas niya si Miguel Tanfelix kay Bianca Umali

- Ang laki ng isyu ngayon na namamagitan kina Kyline Alcantara at Bianca Umali

- Sinasabing inahas daw ni Kyline ang boyfriend ni Bianca na si Miguel Tanfelix

- Umalma ngayon ang kaibigan ni Kyline at sinabing ang bata pa ni Kyline at hindi siya malandi

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Mukhang nagkakagulo ngayon ang lead stars ng Kambal Karibal na sina Kyline Alcantara at Bianca Umali.

Nalaman ng KAMI na nai-isyu ngaon si Kyline at napasasabihang nang-ahas ng boyfriend.

Napapabalita kasing inahas daw niya si Miguel Tanfelix, boyfriend in Bianca.

Dahil dito, nagbigay ng pahayag ang kampo ni Kyline. Hindi na rin nila siguro matiis ang mga paratang kay Kyline.

Sa panayam ng PEP sa kaibigan ng dalaga, sinabi niyang hindi raw malandi si Kyline at wala pa sa isip nito ang mag-boyfriend.

"No! Kyline is only 15 years! Hindi siya malandi! Wala pa sa isip niya ang makipag-BF!"

"Ang focus niya, magpatayo ng bahay para sa kanyang pamilya!"

Ito ang pahayag ng kaibigan ni Kyline. Sinabi pa niya na si Miguel daw ay malapit sa pamilya ni Kyline at magkaibigan lang ang turingan ng dalawa.

Sa taping, mukhang nagkakasakitan na ang dalawa. May mga ginagawa raw silang mga bagay na wala sa script.

Buhusan ng tubig at sampalan daw ang bet ng dalawa!

Sabi sa PEP, sina Bianca at Kyline ay mababait daw! Sana matapos na rin ang intriga sa dalawang 'to.

Tricky Questions: Can you translate this into English? on Kami YouTube channel This video shows the ability of Filipinos to translate sentences hurled at them into the universal English language.

Source: Kami.com.ph

Related news
Kakakilabot! Misteryosong footprint ng baby sa mall, dumarami ang nakakakita

Kakakilabot! Misteryosong footprint ng baby sa mall, dumarami ang nakakakita

Kakakilabot! Misteryosong footprint ng baby sa mall, dumarami ang nakakakita
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel