Misis, nanggagalaiti sa galit sa mister matapos patulugin ang 'ex gf' nito sa bahay mismo nila

Misis, nanggagalaiti sa galit sa mister matapos patulugin ang 'ex gf' nito sa bahay mismo nila

- Binahagi ng isang netizen ang kakapalan ng mukha ng mister niyang napaka-babaero

- Makailang beses nang nakagawa ng pangangaliwa ng mister noong di pa man sila kasal ngunit patuloy pa rin siyang pinatawad ng misis

- Di na kinaya ng babae ang matinding panloloko sa kanyan kaya minabuti na niyang makipaghiwalay

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nakakalungkot isipin na maging sa mga tema ng palabas sa pelikula at telebisyon ay kadalasan tungkol sa pangangaliwa, kabit at iba pang kwento tungkol sa pagkasira ng relasyon o pamilya.

Tila pinamumulat pa ang henerasyon ngayon sa mga ganoong klaseng sitwasyon na dapat ay di nangyayari lalo pa kung ang dalwang nagmamahalan ay humarap na altar kung saan nanumpa sila ng kanilang pag-iibigan.

Gaya na lamang ng kwento ng isang netizen na makailang beses nang nagawang lokohin ng ama ng kanyang mga anak.

Isa sa pinakamatinding nagawa ng kanyang mister ay ang pagpapatulog ng dati nitong kasintahan sa mismong bahay nila. Bagong panganak pa lamang siya noon at ganoon na lamang ka-garapal ang ginawa sa kanya ng kanyang mister.

Matapos ang insidenteng iyon, makailang beses paring nagloko ang kanyang mister ngunit napuno pa rin naman siya.

Misis, nanggagalaiti sa galit sa mister matapos patulugin ang 'ex gf' nito sa bahay mismo nila

source: supplied

Narito ang kabuuan ng kwento ng isang netizen na ito na binahagi sa KAMI. hiniling niyang maibahagi ang kanyang kwento upang maibsan ang galit na nadarama sa kanyang mister.

'Yung akala mo ok kayo Pero hindi pala "

Share ko lang yung Love story namin way back 2012 ito po yung taon kung kailan kami nagka kilala nag magkaibigan naging close at hindi nag tagal naging kami masaya kami nun sa relationship namin. nong mga panahon din yun mahal namin ang isat isa ako yung taong maeffort yong isusurprise sya ..

Tuwing monthsary namin tuwing anniversary gusto ko kasi matutuwa sya gusto ko kasi maappreciate nya yung mga ginagawa ko natutuwa naman sya kasi ganun ako .. para makabawi sya gumagawa din sya ng effort para sakin nag ttrabaho ako nun sinusundo nya ako . Pag may time kami nag dadate kami masaya naman ang naging takbo ng relasyon namin tumagal ang relationship namin ng 2years at dun na ako nabuntis nong nalaman namin na buntis ako unang pumasok samin takot kasi hindi namin akalain na mabubuo . Pero syempre wala na kaming nagawa kundi tanggapin nagkasundo din ang pamilya namin at sa asawa ko .

Dun na kami nag plano ng kasal kasi ayaw ng magulang ko na hindi kasal 2014 kami kinasal nun 6months na yong tyan ko nun at 2014 din namin pinangak ang panganay namin .. Ok naman ang pagsasama namin masaya kami kasi may baby buching kami na sinilang hanggang sa nagtagal ang pagsasama namin nabuntis ulit ako pero hindi namin iniexpect na ganun yong kakalabasan akala ko normal lang yong pag umbok ng Tyan ko. patulis kasi pero nung nalaman namin sa ultrasound Nagulat kami Twin Baby sya nan dun yung takot at tuwa namin takot kasi iniisip ko palang kung paano ko ilalabas sila tuwa kasi magkakaroon kami ng kambal hirap ako magbuntis nun kasi mabigat yong tyan ko pero kinakaya kahit nag ttrabaho ako nun kasi hindi stable yung work ng asawa ko nun kaya tinutulangan ko sya .

Maalaga naman ang asawa ko nun sakin nagtutulungan naman kami kung paano maayos ang buhay namin . Dumating na yong time na manganganak na ako dapat hindi pa talaga ako nun manganganak yong time na yon na . sobrang stress ako nun sa asawa ko ko nagtatalo kami dahil sa ex nya na lagi nyang binabanggit na stress ako nun dahil chinachat nya pa . Napanganak ako ng di oras pumutok yong panubigan ko sa bahay buti nalang na dala ako sa hospital agad kundi baka sa tricyle na ako nanganak nun nag dasal ako ng nag dasal nun kasi 50/50 na ako nun kambal kasi dapat C.S sya . Yun din payo sakin nun nong nag papacheck up ako c.s talaga pag kambal . Diko akalain na pag sobrang strees ka sama ng loob ganun yong mangyayari mapapaanak k ng maaga . sa awa naman ng Diyos na normal ko sila nailabas pero yung isa nag 50/50 kasi matagal sya nailabas sa tyan ko nirevive sya kala ko katapusan ko nadin pero lumaban sya naka survive sya . Kala ko din katapusan kuna nun kasi tumaas ang BP ko sa awa ng Diyos naging maayos naman kami .

Misis, nanggagalaiti sa galit sa mister matapos patulugin ang 'ex gf' nito sa bahay mismo nila

source:supplied

Dalawa lang kami ng asawa ko nun sa hospital nun walang tumulong samin nun kaya pasasalamat ko din sa asawa ko nun kasi hindi nya kami iniwan sa bahay na kami nun maayos naman ang buhay namin ng dumating na naman ang kalbaryo ko kakapanganak ko palang nun . pinapunta ng asawa ko yong ex nya sa bahay namin sabi nya bibisita lang ok lang naman sakin kasi panatag naman ako na ako lang mahal ng asawa ko Pero nan dun padin yong pangamba ko selos . Hindi ko akalain na patutulugin nya pa dun yon syempre pag babae malakas ang kutob nila pag may ginagawang kalokohan yong asawa nila ..

Yun n nga at may nangyari yong gabi na yon muntikan na . may mangyari sa kanila pero diko hinayaan yun nag away kami ng asawa ko nun sa sobrang stress ko nun muntikan na akong mabaliw at mabinat .. Buti at naagapan . lumipas na ang mga buwan ok na kami nun nag ttrabaho ang asawa ko nun kaso hindi sapat kaya kinakailangan namin bumalik sa magulang ko at dun tumira .. ok naman kami masaya naman ang pagsasama namin kasi may mga baby kami at pag may sahod sya lumalabas kami .

Ako naman ang nag babantay sa mga anak ko kasi hindi mo naman pwede ipaalaga kasi tatlo . ang laki ng sakripisyo ko sa kanila. Sumasideline ako nun para kahit papano nakakatulong ako sa asawa ko . Ok naman ang kinikita namin minsan hindi lang talaga sapat . Pero dumating naman yong blessing samin kasi nagkaroon ng magandang trabaho yong asawa ko natutuwa naman ako kasi pinangarap nya rin makapasok dun sa BPO Comapny pakahit HS grad lang sya natutuwa ako sakanya kasi nag pursige sya na maabot yun dahil samin .

Hindi nag tagal maayos na yong pasok ng pera samin naiisip namin na mag bukod ulit . Para makapag pundar kami ng gamit tska para makatayo din kami sa sarili naming mga paa ng hindi umaasa . Naging ok naman ang takbo ng buhay namin masaya kami masaya mga anak ko . Tumutulong padin ako sa asawa ko nun para kahit papano hindi nya sabihin na wala akong silbe hanggang sa nag sumikap ako sa pag sisideline ko nakabili ako ng computer Dinag dagan lang nya para daw maganda . Tapos Flat Screen t.v nakabili ako pinagsumikapan ko dala yun kasi gustong gusto ko talaga magkaroon kami ng t.v nun . Natutuwa naman sya kasi nakakapundar kami . tska nagagawa namin yong mga gusto namin na mag iinom kasama kaibigan nya sa bahay masaya naman, masaya ako para sa asawa ko kasi naging regular sya sa trabaho nya stable na sya .

Pero yong mga saya pala na yon may mga kapalit pala yong mga time na parang nag papapogi sya lagi kala ko normal lang yun pero hindi pala may iba pala syang pinopormahan nun . nong time na nag iinum kami ng mga kaibigan ko dun sya nag tapat sakin . Na may nag papasaya na daw saknya yong katrabaho nya hindi na daw sya masaya samin hanggang sobrang sama ng loob ko napaiyak ako sa mga sinabe nya na makikipag hiwalay sya .. nag makaawa ako sakanya na wag nya gawin yun . Kasi may mga anak kami maliliit pa .. Sabi ko din sa kanya pano yong mga pangarap natin dba sabi mo lilipat pa tayo sa magandang bahay . sabi mo mag aabroad kapa pag 35 kana tapos sabi mo kukuha ka ng bahay sa pag.ibig . iyak ako ng iyak nun .. Kasi kala ko ok kami pero hindi pala lumipas ang mga araw parang nahimasmasan sya . kasi pinaalam ko sa mga magulang at kapatid nya yong mga nangyayari samin . Marami ang nag payo sa kanya pag isipan mong mabuti ang decision mo mga babae ang anak mo . Baka pag dating ng araw mapunta sa mga anak mo yong ginagawa mo

Lumipas ang mga araw nun sinabe nya na hindi na nya kami iiwan . pero nan dun padin yong mapaparanoid ako kasi sobra kong nasaktan sa ginawa nya nandun padin yong takot na baka hindi padin nya tinitigilan hanggang sa nag pasya sya na kailangan nya ng space tska kailangan nya daw makapag isip isip . Pumayag naman ako sa gusto nya sabi nya pa paminsan minsan daw dun sya matutulog para daw makapatipid sa pamasahe . Omoo ako kasi mahal ko sya eh . Pero nan dun padin yong paranoid ko hindi ako nakakatulog sa gabi palagi ko syang iniisip kung ano ginagawa nya kung magkasama ba sila . Nan dun padin yong takot ko .. Hanggang sa lumipas ang mga araw hindi sya umuwi pinuntahan ko sya sa trabaho nya naghintay ako dun at dun nakita ko magkasama sila .

Tama bang sabihin na ihahatid nya lang nagkasabay lang daw sila sa elevator ..Syempre sa sobrang nginig ko hindi na ako nakapag salita ng maayos kasi sabi nya tinigilan nya na daw pero bakit ganun . Sabi pa nya kung susuntukin mo sya susuntukin din kita diba Sinabe ko lang sakanya yun pero hindi ko ginawa sa babae . ang sakit pinoprotektahan nya pa yong babae kasya sakin ... Hanggang sa lumipas nanaman ang araw nag sinungaling sya sakin sabi nya dun sya matutulog pero . Nakipag inuman pala sya . Nag talo nanaman kami dumating na sa point na nakapag disicion na sya . Iyak ako ng iyak nun nag inum ako mag isa parang gusto kuna sumuko sa buhay ko nun . Umuwi sya nun iyak ako ng iyak sa kanya pero yun talaga yong desicion nya hangggang sa nakatulog ako . pag gising ko tinanong ko sya kung mahal nya ako sabi nya hindi na daw . iyak parin ako .. Tapos sinabe nya na matagal na daw nya akong hindi mahal simula palang daw ng dalaga at binata padaw kami sobra akong nasaktan nun. kasi bakit ngayon lang nya sinabe yun kung kailan tatlo na anak namin

Sabi nya kasi ngayon lang daw sya nagkaroon ng lakas ng loob. Ang sakit ng ginawa nya bakit ngayon lang kung kailan maganda yong trabaho nya kasi stable na sya . Tingin ko nasabe nya lang yun kasi para pagtakpan yong mga kasalanan nya .. Hanggang sa dumating yong araw na iniwan na nya kami ng mga anak ko at nalaman ko sa mga katrabaho nila na matagal na pala silang may relasyon nun napaka sinungaling nya sabi nya wala pang isang buwan nya na kilala yun sobrang sakit nakita ko pa yong picture nila na magkasama matulog .. Inamin nya din sakin na madalas silang magksama . Ang daming nakakapansin sa kanila ng mga katrabaho nila pinag sabihan pa nga yong babae pinag duldulan sa kanya na may asawa at anak na yon pero makapal daw talaga ang mukha ng babae sobrang sakit ng ginawa ng asawa ko sakin . Yong akala ko ok kami pero hindi pala . Never kong niloko sya sa sa buong buhay ko hindi ako nag hanap ng kasiyahan sa iba kasi sapat na sakin kung anong merun ako lahat ng sakit tiniis ko sakanya lahat ng mga kalokohan na ginawa nya pinalampas ko kasi mahal ko sya mahal na mahal ko .. Binigay ko buong buhay ko hindi ako nag tira para sa sarili ko kaya sobra akong nasasaktan ngayon wala na kami nalaman ko na may nangyari sakanila ang sakit sakit .. Pinili nya yong kasiyahan nya kasya sa pamilya nya .

Ngayon mejo ok ok na ako alam ko may plano si God samin siguro hindi ko Deserve yong taong ganyan .. at dun sa girl sana masaya ka na may nasira kang pamilya . sana maging masaya ka .. hintayin nyo lang yong karma nyo alam ko mas matindi pa dito yong mararanasan nyo .. Mararamdaman nyo din yong nararamdaman kong sakit ... At dun sa lalaking niloko ako sana maging masaya ka sa naging desicion mo sana balang araw yang karma mo karma mo lang wag sana mapunta sa mga anak mo sana hindi sila makahanap ng lalaki katulad mo na walang paninidigan .. balang araw mararanasan nyo di yong sakit na pinaranas nyo sakin ... GOD BLESS sainyo

Salamat po kung maipopost to mejo gumaan po yong nararamdaman ko ngayon GoodBless po!

The rules are pretty straightforward. People need to listen to joke without showing any facial expression. Any grins, smiles, chuckling, laughing mean they lose. But… oops! Most jokes are hilarious! Philippine Try Not to React Challenge: Who Can Win It? | HumanMeter on KAMI youtube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
"Kung kabet ka nga, sana hindi ka na magrecruit," Jade at Marissa, natameme!

"Kung kabet ka nga, sana hindi ka na magrecruit," Jade at Marissa, natameme!

"Kung kabet ka nga, sana hindi ka na magrecruit," Jade at Marissa, natameme!
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel