Avelynn Garcia, binahagi ang makapanindig balahibong premonisyon ng asawa na nagdala sa kanya sa tunay na ina na 50 taon na niyang hinahanap

Avelynn Garcia, binahagi ang makapanindig balahibong premonisyon ng asawa na nagdala sa kanya sa tunay na ina na 50 taon na niyang hinahanap

- Binahagi ni Avelynn Garcia ang kakaibang kwento kung paano niya nahanap ang kanyang ina na 50 taon na niyang hinahanap

- Isang premonisyon o pangitain ang nakita ng asawa niya ang tila naging senyales na magdadala pala kay Avelynn sa kanyang tunay na ina

- Bagaman at 50 taon na ang lumipas ramdam ni Avelynn na buhay pa ang kanyang ina

Kilala si Avelynn Garcia na tumutulong sa mga nawawalan ng kapamilya sa program niya sa DZMM Teleradyo na 'Tulong ko, Pasa mo' ng ABS-CBN.

Ngunit ang di alam ng karamihan na siya mismo ay naghahanap sa kanyang tunay na ina na di manlang niya nakilala mula nang siya ay isinilang.

Nalaman ng KAMI na taong 1969 ipinanganak si Avelynn at matapos ito, iniwan na siya ng sa asawa ng doktor na si Lily na siyang tumayong ina niya.

Kalaunan ay ipinasa na siya sa kapatid ni Lily na sina Gloria at Teresita na mahilig mag-alaga at mag-ampon ng bata.

Maayos na napalaki ng dalawa si Avelynn na nilarawan nilang isang mabait na bata.

Dumating sa punto na nagtatanong na si Avelynn kung sino ang kanyang mga magulang at bagaman sinasabi ng mga kumupkop sa kanya na patay na ito, di naniniwala si Avelynn dahil ramdam niyang buhay pa ang kanyang tunay na ina.

Sinubukan din ni Avelynn na hanapin ang kanyang ama, ngunit dahil nga sa nabuntis lamang ang kanyang ina, parang di rin maniwala ang panig ng kanyang ama na may anak ito na edad ni Avelynn.

Dahil dito, mas pinursige na lamang niyang hanapin ang kanyang ina.

Hanggang sa nakilala niya ang kanya ngayong asawa na si Vic Garcia na siya pa lang makakatulong sa kanya upang makilala ang tunay na ina.

"Always hope for the best and also prepare for the worst" ang payo ng asawa ni Avelynn na naging katuwang na rin niya sa paghahanap ng kanyang tunay na ina.

Dumating ang araw na naalala ni Lily ang pangalan ng pangalan ni Avelynn na agad naman niyang hinanap sa social media.

Mas batang larawan ng isang Carmilina Geronca ang bumungad kay Avelynn sa Facebook.

Nag-message at nag-email agad siya rito at nakuha niya ang address nito sa Amerika. Dahil may-akda rin siya ng ilang libro dito sa Pilipinas, pinadalhan rin niya si Carmilina sa pag-aakalang magiging 'proud' ito sa kanya.

Sa kasamaang palad, wala siyang nakuhang sagot mula rito .

Nagpunta pa silang mag-asawa sa Jerusalem upang ipagpasa-Diyos na ang paghahanap sa ina. Hiningi niya ito bilang regalo man lang sa kanyang kaarawan.

Sa di inaasahang pangyayari, nagkaroon ng pangitain ang kanyang asawa na mayroon daw nais ipahiwatig ang numerong "1-1-8".

"God is telling me that something is going to happened 1-1-8" kwento ni Avelynn na sinabi ng kanyang asawa sa kanya.

Enero 18 ng 1:18 ng magdaling araw nagising na lamang bigla si Vic, at nakita niya na nag-check-in sa isang hotel dito sa Pilipinas ang ina raw ni Avelynn na si Carmilina.

Agad nilang pinuntahan ang hotel at inabot pa raw sila ng tanghali kakahintay dito hanggang gabi.

Pauwi na lamang sila, nag biglang tiningnan muli ni Vic ang kanyang cellphone kung saan nakita niya na may post ang ina niya na nasa Podium mall na eksaktong malapit na sa bahay nina Avelynn.

Nagkataon na ang kinainang restawrant pang nanay ni Avelynn ay kaibigan niya ang manager.

Kaya naman tinawagan ni Avelynn ang kaibigan, tinanong niya agad kung nakita nito ang isang babae na nakasuot ng black and white. Papaharangan sana ito ni Avelynn ngunit nakaalis na raw ito.

Di pa rin sumukoo si Avelynn, bagaman at nagsara na ang mall, naghintay pa rin sina Vic at Avelynn sa isang coffee shop sa labas nito.

Biglang lumabas ang isang babae na nakasuot ng black and white na stripes na pang-itaas.

"Hon, Mommy mo!" ang nasabi ng kanyang asawa.

Di alam ni Avelynn ang gagawin ngunit naglakas loob pa rin siyang magpakilala.

Narito ang video ng masayang pagtatagpo nina Avelynn at kanyang tunay na ina na nakuha ng KAMI sa youtube ng Rated K.

Nito lamang May 8, 2018, lumipad patungong Los ANgeles California si Avelynn para makasama ang ina at ilang kamag-anak nila sa Amerika.

Mayo 10, naghanda si Carmelina ng isang bonggang handaan para sa kanyang unica hija na si Avelynn.

Walang pagsidlan ng kaligayahan ang mag-ina na sina Carmelina at Avelynn.

Sino ba naman kasing mag-aakala na sa loob ng 50 taon, magkikita pa sila at makakasama pa nila ang isa't isa.

In this episode of BeKami, amazing Chrystally, a fitness trainer from the Philippines, will show you three easy exercises you can do at work. 3 Easy Exercises You Can Do at Work with Chrystallу | BeKami on KAMI Youtube channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
'Forever Gilas!' Puso ang bigay ni Marc Pingris para sa 'Gilas Pilipinas'

'Forever Gilas!' Puso ang bigay ni Marc Pingris para sa 'Gilas Pilipinas'

'Forever Gilas!' Puso ang bigay ni Marc Pingris para sa 'Gilas Pilipinas'
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel