Vice Ganda, emosyonal matapos mapanood ang 'And the Breadwinner is'
- Naging emosyonal si Vice Ganda matapos na mapanood ang sariling MMFF 2024 entry
- Kakaiba ang pelikula na ito kumpara sa mga dati niyang MMFF movies na purong comedy lamang
- Masasabing ito ang patunay na hindi lamang sa hosting at comedy movies patok si Vice kundi maging sa drama rin
- Kilala ang mga MMFF movies ni Vice Ganda bilang pampamilya kaya naman madalas talaga itong pumalo sa takilya
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Naging emosyonal si Vice Ganda matapos mapanood ang sarili niyang pelikulang 'And the breadwinner is' sa premiere night nito noong Disyembre 23, dalawang araw bago ito ipalabas sa mga sinehan.
Sa video na ibinahagi ng Inquirer.net makikitang napatakip ng mukha si Vice nang maiyak matapos mapanood ang kanyang pelikula.
Ang proyektong ito ay isang malaking hakbang para kay Vice Ganda, na kilala sa pagiging isang mahusay na host at komedyante. Masasabing ito na ang patunay na hindi lamang sa hosting at komedya patok si Vice, kundi pati na rin sa drama.
Kasama ni Vice sa pelikula ang ilan sa mga kilalang aktres at aktor tulad ni Eugene Domingo, Gladys Reyes, Jhong Hilario, at ang mga kamakailan lamang naging kontrobersyal na love team na sina Maris Racal at Anthony Jennings.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Tulad ng mga nakaraang pelikula ni Vice, inaasahang papalo ito sa takilya lalo na at buong pamilya ang maaring makapanood nito at masasabing marami sa mga Pinoy ang makaka-relate lalo na sa karakter na kanyang ginagampanan dito.
Si Vice Ganda ay isang TV host at komedyante na tinagurian ding 'Unkabogable Star'. Sa ngayon, bukod sa It's Showtime, abala rin si Vice sa paggawa niya ng mga videos para sa kanyang YouTube channel kung saan mayroon na siyang 8.17 million subscribers. Bukod sa kanyang YouTube, nagiging aktibo rin siya sa kanyang TikTok account na @unkabogableviceganda.
Samantala, naging abala rin si Vice sa pelikulang kanyang pagbibidahan kasama sina Eugene Domingo, Jhong Hilario, Lassy at MC. Matatandaang nabanggit ito ni Sarina, ang anak ni Jhong sa isa sa kanyang mga vlog na nilarawan niya bilang isang supresa raw sa publiko mula sa kanyang daddy Jhong at Ninang Vice.
Kasama rin sa naturang pelikula ang controversial love team na sina Maris Racal at Anthony Jennings na hindi pa rin present sa premiere night ng MMFF movie na ito ni Vice Ganda.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh