Ogie Diaz, nilinaw na hindi siya ang PRO ng pelikulang 'And the Breadwinner is'

Ogie Diaz, nilinaw na hindi siya ang PRO ng pelikulang 'And the Breadwinner is'

- Nilinaw ni Ogie Diaz na hindi siya PRO ng pelikulang 'Ang the breadwinner is

- Aniya, wala ni singko siyang natanggap mula sa pelikula

- Matatandaang minsan nang nagbigay pahayag si Ogie tungkol sa movie poster ng And the breadwinner is

- Ang nasabing pelikula ay pinagbibidahan ni Vice Ganda kung saan kasama nila ang kontrobersyal na love team na sina Maris Racal at Anthony Jennings

Nagbigay linaw si Ogie Diaz kaugnay ng mga usap-usapan ukol sa kaniyang hindi pagtanggap ng anumang halaga mula sa pelikulang And the Breadwinner Is, isa sa mga tampok na pelikula sa darating na Metro Manila Film Festival (MMFF).

Ogie Diaz, nilinaw na hindi siya ang PRO ng pelikulang 'And the Breadwinner is'
Ogie Diaz, nilinaw na hindi siya ang PRO ng pelikulang 'And the Breadwinner is' (ABS-CBN Film productions/ Star Cinema)
Source: Facebook

Ayon sa komedyante at talent manager, ang kanyang pagbibigay opinyon sa mga inilabas na movie poster ay upang bigyang boses din ang ibang mga nakapansin nito.

Ipinaliwanag ni Diaz na nagkataon lamang na naging alaga niya si Vice sa nakaraan at nakatagpo siya ng pagkakataon upang makatulong sa pelikula. Aniya, ang kanyang suporta ay walang kapalit at isang anyo ng pagtulong sa kaibigan.

Read also

Kathryn at Alden sa Hello Love Again: "Patapos na tayo so Joy and Ethan, signing off"

"Pero nakatulong din yung hype na 'yun ah," dagdag ni Ogie, na tumukoy sa kasikatan at atensyon na dulot ng kanyang pagkomento sa proyekto.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Matatandaang nakomentohan ni Ogie ang paminsang pagbabago sa poster ng pelikula kung saan naunang inalis sina Maris Racal at Anthony Jennings. Gayunpaman, unang ibinalik si Maris at sa huli, isinama rin si Anthony, na siyang nagpatuloy sa pag-ikot ng balita patungkol sa pelikula.

Sa kabila ng lahat ng ito, ang And the Breadwinner Is ay tampok na pelikula sa MMFF, kaya't umaasa si Ogie na magbukas ito ng mas maraming oportunidad lalo na kina Maris at Anthony at makapagbigay saya sa mga manonood ngayong holiday season.

Narito ang kabuuan ng pahayag ni Ogie:

Si Vice Ganda ay isang TV host at komedyante na tinagurian ding 'Unkabogable Star'. Sa ngayon, bukod sa It's Showtime, abala rin si Vice sa paggawa niya ng mga videos para sa kanyang YouTube channel kung saan mayroon na siyang 8.17 million subscribers. Bukod sa kanyang YouTube, nagiging aktibo rin siya sa kanyang TikTok account na @unkabogableviceganda.

Read also

Ogie Diaz, may komento sa poster ng "And The Breadwinner is.."

Samantala, naging abala rin si Vice sa pelikulang kanyang pagbibidahan kasama sina Eugene Domingo, Jhong Hilario, Lassy at MC. Matatandaang nabanggit ito ni Sarina, ang anak ni Jhong sa isa sa kanyang mga vlog na nilarawan niya bilang isang supresa raw sa publiko mula sa kanyang daddy Jhong at Ninang Vice.

At kamakailan lamang, isinapubliko na ito ng Metro Manila Film Festival bilang isa sa mga kalahok na pelikula ngayong taon. Ito ay ang "And the breadwinner is" na sinasabing kaiba sa mga nagdaang MMFF movies na ginawa ng Unkabogable Star. Gayunpaman, inaasahang tatabo ito sa takilya kasama ng iba pang mga naggagandahang pelikula na pasok sa MMFF ngayong taon.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica