Vice Ganda, matapang na isinapubliko ang tungkol sa kanyang mental health issues

Vice Ganda, matapang na isinapubliko ang tungkol sa kanyang mental health issues

- Naibahagi ni Vice Ganda ang tungkol sa kanyang patuloy na pagpapa-therapy

- Ito ay may kaugnayan sa umano'y mental health issue na kanyang pinagdaraanan

- Tila imposible umano sa isang breadwinner hindi magkaroon ng mental health issue

- Isa ang pelikula ni Vice Ganda sa mga pelikulang mapapanood sa Metro Manila Film Festival ngayong taon

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Matapang na isinapubliko ni Vice Ganda ang kanyang pagpapa-therapy na may kaugnayan sa kanyang mental health issue.

Vice Ganda, matapang na isinapubliko ang tungkol sa kanyang mental health issue
Vice Ganda, matapang na isinapubliko ang tungkol sa kanyang mental health issue (ABS-CBN Star Cinema)
Source: Youtube

Sa media day ng pelikulang And the Breadwinner is, nausisa ng showbiz reporter at host ng nasabing event na si MJ Felipe kung paano dinadala ng isang breadwinner ang kabi-kabilang problemang kinahaharap nito.

"Di ako ready dun. Syempre, imposibleng hindi ka magkaroon ng mental health issues as a breadwinner... 'Yung pagpasan ng napakaraming problema nang mag-isa imposibleng hindi ka magkaroon ng mental health issues," panimula ni Vice.

"'Yung pakiramdam ng nag-iisa yun ang pinakamahirap. HIndi naman mawawala ang pagsubok sa buhay araw- araw e di ba? pero marami tayong pagsubok na nalalampasan natin na madali kasi marami tayong katuwang. Pero 'pag nag-iisa ka at alam mong wala kang maasahan, ang sakit nun sa ulo. Ang hirap nun matulog, ang hirap nun mag-isip. Lalong-lalo na kung ang nararamdaman mo hindi mo masabi at wala kang mapagsabihan at walang gustong makinig sa gusto mong sabihin. 'Yung ang magco-cause sayo ng mental health issues," pagpapatuloy pa niya.

Read also

Ogie Diaz, nagbahagi ng makahulugang pahayag tungkol sa konsepto ng paghihiganti

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Inihayag ni Vice ang kanyang therapy sessions na siyang nakatutulong sa kanya para dalhin ang anumang pinagdaraanang ito.

"How did I cope up? I underwent therapy. Actually not underwent, I am still undergoing therapy. Nag-therapy ako noon at hanggang ngayong nagti-therapy pa rin ako. At yun ang isang bagay na hindi ko gustong ihinto parang ginagawa kong regular yung pagti-therapy kasi gusto kong matulungan ang sarili ko kasi marami pa akong gustong gawin kagaya nang breadwinners. Marami pa siyang pangarap. E marami pa akong pangarap, marami pang nakapasan sa'kin, marami pa akong gustong gawin. Gusto kong manatiling malusog hindi lang ang pangangatawan ko kundi pati ang kaisipan ko kaya nagti-therapy ako hanggang ngayon"
"This is something na hindi ko masyadong nasi-share pa. Kaya nabigla ako pero naisip ko, ano namang nakakahiya kung nagti-therapy ako?

Narito ang kabuuan ng kanyang naging pahayag mula sa ABS-CBN Star Cinema YouTube:

Read also

Kathryn Bernardo: "Don't use your pain as a reason to hurt others."

Si Vice Ganda ay isang TV host at komedyante na tinagurian ding 'Unkabogable Star'. Sa ngayon, bukod sa It's Showtime, abala rin si Vice sa paggawa niya ng mga videos para sa kanyang YouTube channel kung saan mayroon na siyang 8.17 million subscribers. Bukod sa kanyang YouTube, nagiging aktibo rin siya sa kanyang TikTok account na @unkabogableviceganda.

Bukod sa It's Showtime, naging host din ng (LOL) Last One Laughing Philippines si Vice. Ito ay isang reality show kung saan nagsama-sama ang ilang mga kilalang komedyante sa Pilipinas at si Chad Kinis ang itinanghal na kauna-unahang winner nito.

Samantala, naging abala rin si Vice sa pelikulang kanyang pagbibidahan kasama sina Eugene Domingo, Jhong Hilario, Lassy at MC. Matatandaang nabanggit ito ni Sarina, ang anak ni Jhong sa isa sa kanyang mga vlog na nilarawan niya bilang isang supresa raw sa publiko mula sa kanyang daddy Jhong at Ninang Vice.

Read also

Candy Pangilinan, humihingi ng tulong na mahanap si Quentin: "Bigla siya tumakbo"

At kamakailan lamang, isinapubliko na ito ng Metro Manila Film Festival bilang isa sa mga kalahok na pelikula ngayong taon. Ito ay ang "And the breadwinner is" na sinasabing kaiba sa mga nagdaang MMFF movies na ginawa ng Unkabogable Star. Gayunpaman, inaasahang tatabo ito sa takilya kasama ng iba pang mga naggagandahang pelikula na pasok sa MMFF ngayong taon.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica