KC sa Sharon-Gabby concert: "It's a show for other people but it's real life for me"

KC sa Sharon-Gabby concert: "It's a show for other people but it's real life for me"

- Aminadong hindi agad naapuhap ni KC Concepcion ang magiging reaksyon niya nang malamang magsasama sa isang concert ang kanyang mga magulang

- Naikwento niya na nang malaman ito, nagkulong pa raw siya umano sa kwarto

- Aniya, maaring sa ibang tao ito ay isang show na labis nilang pinakaaabangan subalit para sa kanya, buhay niya ang mapapanood ng mga tao

- Sa ngayon, aminadong excited na rin siya para rito at tila nai-imagine ang sarili na kasama ang mga magulang sa entablado

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Natanong ni Ogie Diaz si KC Concepcion tungkol sa papalapit nang concert ng kanyang mga magulang na si Megastar Sharon Cuneta at batikang aktor na si Gabby Concepcion.

KC Concepcion sa concert ng mga magulang: "It's a show for other people but it's real life for me"
KC Concepcion (@kristinaconcepcion)
Source: Instagram

Naikwento ni KC na hindi umano niya agad malaman kung ano ang magiging reaksyon nang malamang kumpirmado na ang concert ng kanyang mga magulang.

Read also

Ogie D sa pag-unfollow umano nina KC at Sen. Kiko sa isa't isa: "sana i-patch up na"

Aniya, tila hindi na niya ito inaasahan lalo na at may kanya-kanya na umano silang mga buhay.

Gayunpaman, aminado si KC na excited siya sa muling pagtatanghal ng kanyang mga magulang na magkasama.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"Na-imagine ko na sa kaliwa ko 'yung tatay ko sa kanan ko yung nanay ko tapos ako, anong nangyari? First time 'yun! HIndi ko alam anong feeling parang mae-excite ba ako, maiiyak ba ako..."
"It's a show for other people but it's real life for me. It's entertainment. Show siya para sa lahat pero, totoong buhay ko to."
"Excited ako pero ako 'yung nag-iisa nilang anak. So ako lang 'yung makakaramdam ng mga nararamdaman ko. Hindi niyo ako ma-gets kasi hindi naman ako yung anak"

Narito ang kabuuan ng kanyang naging pahayag mula sa Ogi Diaz Inspires YouTube channel:

Read also

Andrea Brillantes: "Is my love life or taste in boys really that relevant to this world?"

Si Maria Kristina Cassandra "KC" Cuneta Concepcion ay isang Filipino actress, singer, dancer, TV host, entrepreneur, socialite at humanitarian. Pinasok din niya ang mundo ng showbiz at bumida siya sa mga pelikulang For The First Time at When I Met U, gayundin sa mga television series tulad ng Lovers in Paris, Huwag Ka Lang Mawawala at Ikaw Lamang. Siya ang anak ng nag-iisang Megastar Sharon Cuneta at ng kilalang aktor na si Gabby Concepcion.

Sa naging interview ni Ogie Diaz kay Megastar, nasabi nitong napakabuti ng kanyang anak subalit hindi lamang umano nagkakatugma minsan ang kanilang mga ugali.

Samantala, sa isang episode ng Showbiz Now Na! nina Cristy Fermin, Romel Chika at Wendell Alvarez, nabanggit ni Cristy ang kaniya umanong paghanga kay Sharon Cuneta kung paano nito napalaki ng maayos ang anak na si KC na malapit pa rin sa kanyang ama.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica