Jose at Wally, tinanggihan umano ang Php 2M ng TAPE para manatili sa EB ayon kay Cristy
- Tinanggihan umano nina Jose Manalo at Wally Bayola ang Php2 million na ibibigay sana ng TAPE
- Ito ay kung manatili umano ang dalawa sa 'Eat Bulaga' at 'di sumama sa pamamaalam ng TVJ
- Subalit dalawa sina Jose at Wally sa pumirma sa courtesy letter ng iba pang mga hosts bilang pamamaalam din sa TAPE
- Ayon kay Cristy, nangibabaw ang pagpapahalaga nina Jose at Wally sa TVJ dahilan para sumama pa rin sila sa mga ito
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!
Nasabi ni Cristy Fermin ang nalaman niya umano sa kanyang source tungkol sa inalok na Php2 million ng TAPE kina Jose Manalo at Wally Bayola.
Nalaman ng KAMI na naidetalye ni Cristy ang tungkol sa ibibigay sana ng TAPE sa dalawang 'Eat Bulaga' hosts kung nanatili umano ito sa programa.
"May tumawag po kay Jose at Wally na huwag sumama sa Tito, Vic at Joey. At agaran daw po, padadalhan sila ng tsekeng tig 2 million pesos"
Subalit matatandaang ilang oras matapos na mamaalam ng TVJ sa producer ng Eat Bulaga, ang TAPE Inc., isinapubliko ng iba pang mga Eat Bulaga hosts ang ginawa nilang courtesy letter ng kanila na ring pamamaalam sa TAPE.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Kasama sa mga pumirma sa naturang lihaw sina Jose at Wally na desididong sumama sa TVJ. Tila nangibabaw umano ang pagpapahalaga ng dalawa kina Tito, Vic at Joey.
Narito ang kabuuan ng pahayag ni Cristy ukol sa kontrobersiyang ito mula sa YouTube channel niya na Showbiz Now Na!:
May 31 nang gumulantang sa publiko ang pamamaalam nina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey De Leon sa TAPE Inc. Nito lamang June 7, kinumpirma ng TVJ na ang TV5 ang magiging bago nilang tahanan gayundin ng iba pang dating Eat Bulaga host.
Samantala, ang Eat Bulaga ang tinaguriang longest-running noontime show hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa buong mundo. Una itong sumaere noong taong 1979 sa RPN 9 na sinundan ng pagiging Kapamilya nila sa loob ng 6 na taon. At ang pinakahuling naging tahanan nila ay ang GMA 7 sa loob ng 28 na taon. Sa kabila ng pamamaalam ng mga orihinal na host ng programa sa kanilang producer, patuloy na napapanood ang Eat Bulaga sa GMA 7 kasama ang mga bagong host na kinabibilangan nina Paolo Contis, Betong Sumaya, Buboy Villar at ilan pang mga GMA Sparkle talents.
Nito lamang Hunyo 10, naging guest host nila si dating Manila City Mayor Isko Moreno. Natanong ito kung araw-araw na ba siyang mapapanood sa programa, sinagot niya ito ng "Kailangan bang i-memorize pa 'yan?"
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh