TAPE Inc.: "Ang pag-alis ng mga hosts ay 'di dahilan para tumigil ang pag-ikot ng mundo"
- Naglabas na ng opisyal na pahayag ang TAPE Inc. patungkol sa hindi pagsasa-ere ng LIVE ng 'Eat Bulaga' sa GMA noong Mayo 31
- Nirerespeto umano nila ang desisyon ng mga pangunahing hosts ng programa na sina Tito, Vic and Joey
- Ito ay ang tuluyan nang mamaalam sa TAPE Inc. na siyang ipinagbigay alam nila sa publiko
- Mahihinuha sa pahayag ng TAPE na tila sila pa rin umano ang gagamit ng pangalang 'Eat Bulaga'
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!
Naglabas na ng opisyal na pahayag si Dapitan City Mayor Bullet Jalosjos, na siyang Chief Finance officer ng TAPE Inc. kaugnay sa kontrobersyal na pamamaalam umano sa kanila ng Eat Bulaga noong Mayo 31.
Matatandaang hindi napanood ng live ang nasabing programa at gumulantang sa publiko ang pagbibigay pahayag ng tatlong pangunahing hosts nila na sina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey De Leon.
Sa Instagram Story ni Mayor Jalosjos, nabanggit nitong bagama't nalungkot sila, nirerespeto naman nila ang desisyon ng TVJ na tuluyan nang mamaalam sa kanilang produksyon.
Binigyang pugay at pasasalamat din nila ang mga naging bahagi ng longest running-noontime show sa loob ng 44 na taon, kabilang na ang tatlong networks na naging tahanan ng mga ito lalong -lalo na ang GMA.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Mahihinuha naman sa pahayag na tila ang TAPE Inc. pa rin di umano ang gagamit ng pangalang 'Eat Bulaga' bilang isang programa.
“Abangan ninyo ang mga bagong magpapasaya at magpapatibok ng ating mga puso. Aasahan ninyo ang mas masaya, mas nakakaaliw at higit pa sa isang libo’t isang tuwa na Eat Bulaga,” ang bahagi ng pahayag.
Narito ang kabuuan ng official statement na naibahagi rin ng CNN Philippines.
Ang Eat Bulaga ang longest-running noontime show sa Pilipinas at maging sa buong mundo na unang napanood noong 1979.
Inulan ng intriga ang naturang programa kabilang na rito ang posibleng pagkawala umano ng ibang mga host ng noontime show maging ang Tito, Vic and Joey o TVJ na siyang maituturing na haligi ng Eat Bulaga. Nangyari na ito kamakailan na labis na ikinagulat ng marami.
Sa isang episode ng Showbiz Now Na! natalakay nina Cristy ang posibilidad na mauwi umano sa demendahan ang nangyayari ngayon sa pagitan ng Tito, Vic and Joey ng Eat Bulaga at ng TAPE Inc.
Gayunpaman, inaaasahang hindi magiging madali para sa lahat kapag nangyari ito lalo na at mahaba-habang panahon na nagsama ang TAPE at ang Eat Bulaga.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh