Xander Arizala, 'di si Ogie Diaz ang tinutukoy sa post: "Medyo kilala sa socmed"

Xander Arizala, 'di si Ogie Diaz ang tinutukoy sa post: "Medyo kilala sa socmed"

- Nilinaw ni Xander Arizala na hindi si Ogie Diaz ang tinutukoy niya sa kanyang post kamakailan tungkol sa umano'y 'di nakadalo sa binyag ng anak

- Ito ay matapos na banggitin ni Ogie na baka siya umano ang tinutukoy ni Xander kaya humingi agad siya ng dispensa

- Sa mensahe ni Xander kay Ogie, isa umanong kilala sa socmed o social media ang kanyang tinutukoy

- Ayon pa kay Ogie, nagsabi na rin talaga siya kay Xander na 'di siya makapupunta at magpapaabot na lang ng kanyang pakimkim bilang ninong

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Naibahagi ni Ogie Diaz ang mensahe sa kanya umano ni Xander Arizala kung saan nilinaw nitong hindi siya ang tinutukoy nito sa viral post.

Xander Arizala, 'di si Ogie Diaz ang tinutukoy sa post: "Medyo kilala sa socmed"
Xander Arizala (@z4nder.offiial)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na mayroong kaugnayan ito sa sinasabing ninong sana ng anak ni Xander na hindi naman sumipot sa binyang ng kanyang anak.

Read also

Bobby Ray Parks Jr., nagbahagi na ng video nila ni Zeinab Harake

Matatandaang sa unang episode ng kanyang channel na Showbiz Update, sianabi ni Ogie na sakaling siya man ang tinutukoy ni Xander ay inihihingi na niya umano ito ng pasenya.

Gayunapaman, hindi rin kasi nakarating si Ogie sa binyag na anak ni Xander kaya naman inihingi niya ito ng paumanhin.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"Mama Ogie, hindi po ikay yan. Isang a little bit friend na medyo kilala sa socmed ang nagsasalita against sa akin at nadamay pa ang anak ko. Pero siya rin yung taong nagpresinta na siya nalang din daw ang ninong dahil kung hindi, magtatampo daw siya. Tapos nangako pa siya sakin na sasagutin pa raw ang laha ng handaan"

Ani Xander, "Hindi ako umasa doon, kahit sa presensya na lang sana," paglilinaw ni Xander.

Narito ang kabuuan ng pahayag mula sa Ogie Diaz Showbiz Update YouTube channel:

Read also

Jennica Garcia, naikwento ang ilang buwang walang aircon: "Nasisira kasi pinipilit ko"

Si Marlou Arizala ay kilala bilang si Xander Ford sa social media. Pinalitan ang kanyang pangalan matapos ang kanyang kontrobersiyal na make over na naibahagi rin sa programang Rated K.

Gayunpaman, matapos ang kabi-kabilang kontrobersiyang kanyang kinasangkutan ay tuluyan na siyang binitawan ng management na tumulong sa kanyang make-over.

Kamakailan nga ay naging palaisipan kung sino ang umano'y tinutukoy ni Xander na umano'y hindi nakadalo sa binyag ng anak at may ipinangako pa umanong sasagutin subalit hindi natuloy.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel