Maegan Aguilar sa amang si Ka Freddie: "Kailangan ko kayo ngayon"

Maegan Aguilar sa amang si Ka Freddie: "Kailangan ko kayo ngayon"

- Nagbigay si Maegan Aguilar ng mensahe sa kanyang amang si Freddie Aguilar na kanyang nakatampuhan

- Aminado si Maegan na matagal na silang hindi okay ng kanyang ama ngunit sa kanyang pagpunta sa programa ni Sen. Raffy Tulfo ay nagbigay siya ng mensahe

- Naibahagi niya rin na binayaran ng kanyang tatay ang bayarin niya sa ospital at pinagpasalamat niya iyon

- Aniya, siguro ay dapat magkaayos na sila ng kanyang tatay bago pa sila mawala at hindi na sila mabigyan ng pagkakataon na ayusin ang dapat nilang ayusin

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Emosyonal si Maegan Aguilar habang nagbibigay siya ng mensahe para sa kanyang amang si Freddie Aguilar. Pinaabot ni Ka Freddie ang kanyang pagmamahal para sa anak ngunit tumanggi na itong magsalita sa programa ni Sen. Raffy Tulfo.

Read also

Anak ni Freddie Aguilar, sa labas ng convenience store natutulog; natulungan ng RTIA

Maegan Aguilar sa amang si Ka Freddie: "Kailangan ko kayo ngayon"
Maegan Aguilar sa amang si Ka Freddie: "Kailangan ko kayo ngayon" (facebook.com/freddieanakaguilar)
Source: Facebook

Nabanggit ni Maegan na binayaran ni Ka Freddie ang kanyang bill sa ospital noong malagay sa panganib ang kanyang buhay. Aniya, sa tingin niya ay dapat na siguro silang magkabati ng kanyang tatay bago pa sila mawala at hindi na sila mabigyan ng pagkakataon na ayusin ang dapat nilang ayusin.

Hindi din niya ikinaila na kailangan niya ang kanyang ama sa kanyang kasalukuyang kalagayan.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Si Freddie Aguilar o Ferdinand Pascual Aguilar sa totoong buhay ay isang kilalang Pinoy folk musician na nakilala sa kanyang awiting "Bayan Ko" at "Anak." Nagsimula siyang magtanghal sa publiko noong 1973 nang makapagtrabaho siya sa Hobbit House sa Ermita, Manila. Matatandaang taong 2018 nang matupok ng apoy ang bahay nina Freddie sa Quezon City. Nakaligtas naman ang kanyang pamilya sa naturang sunog.

Read also

Cristy Fermin, pansin ang umano'y lungkot sa mga mata ni Sarah Geronimo

Ikinasal siya sa unang asawa na si Josephine Queipo noong 1978 at nabiyayaan sila ng apat na anak. Sila ay sina Maegan, Jonan, Isabella, at Jeriko. Isinapubliko ng mang-aawit ang kanyang relasyon sa kasalukuyang asawa noong October 17, 2013. Ikinasal sila ni Jovi Gatdula Albao noong November 22, 2013 sa Islamic rites sa Buluan, Maguindanao.

Kamakailan ay isang nakakatuwang anniversary message ang binahagi ng maybahay ni Ka Freddie sa kanilang pagdiriwang ng kanilang ika-9 na taong pagsasama. Nagbalik-tanaw ang asawa ni Ka Freddie na si Jovie sa araw kung kailan niya sinagot si Ka Freddie at aniya ay hindi naging mabait sa kanya ang mundo noong siya ang piniling mahalin nito. Gayunpaman aniya ay naging mabait sa kanya ang Panginoon at kung bibigyan umano siya ng pagkakataon na bumalik sa umpisa ay si Ka Freddie pa rin ang pipiliin niya.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel