Ivana, na-prank muna ang ate na nawawala si Gab bago niya bigyan ng future fund nito

Ivana, na-prank muna ang ate na nawawala si Gab bago niya bigyan ng future fund nito

- Kakaibang prank ang ginawa ng pamilya Alawi sa kanilang Ate Amira sa pinakabagong vlog ni Ivana

- Na-prank nila ito na nawawala ang anak niyang si Gabriel na labis na ipinag-alala niya

- Makikita sa video kung gaano kabalisa si Amira na natural na reaksyon ng isang ina na labis na nag-alala sa kanyang anak

- Kaya naman nang makita na niya ito, mas lalong naging emosyonal ang tagpo lalo na sa isang single mother na tulad ni Amira

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Isang kakaibang prank ang naisip nina Ivana Alawi at kanyang pamilya sa kanilang Ate Amira.

Ivana, na-prank muna ang ate na nawawala si Gab bago niya bigyan ng future fund nito
Ivana Alawi (Ivana Alawi YouTube channel)
Source: UGC

Nalaman ng KAMI na naisipan nilang i-prank ito na kunwari'y mawawala ang apat na taong gulang na anak nitong si Gabriel.

Iniwan kasi nila sa salon ang ate at nagpaalam na mamimili. Nang tanungin naman si Gab, sinabi nitong mananatili lang siya sa kanyang mommy.

Read also

Carla, binawalan na pag-usapan si Tom sa isang product launch ayon sa SNN

Subalit ang totoo, isinama pa rin ito nina Ivana at inihabilin sa kanilang tita na kilala naman ng bata.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Kaya naman nang magbalik na si Amira kung nasaan ang kanyang pamilya, laking gulat nito na hindi nila kasama ang kanyang anak.

Makikita sa video ang labis na pag-aalala ni Amira na hindi naisip na maaring prank lamang iyon ng kanyang mga kapatid at ng kanyang ina.

Kaya naman nang makita ang anak na siyang nagsabi ng 'It's a prank!' mas lalong naging emosyonal ang tagpo.

Doon, ibinigay na rin ni Ivana ang malaking halaga ng pera na umano'y future fund ng kanyang pamangkin na si Gab.

Labis naman ang pasasalamat ni Amira na binigyang puri rin ni Ivana sa pagiging single mom nito na kinakakaya ang pagtataguyod mag-isa sa kanyang anak.

Read also

Andrew Schimmer sa lagay ng misis; "High fever and vomiting siya ngayon"

Narito ang kabuuan ng video mula sa YouTube channel ni Ivana Alawi:

Si Ivana Alawi ay unang nakilala nang sumali siya sa reality show na "StarStruck" sa GMA-7. Dahil sa kanyang taglay na ganda, sumikat siya sa social media pati na rin sa mundo ng vlogging. Sa kasalukuyan, umabot na sa mahigit 15.9 million ang kanyang mga YouTube subscribers.

Marami ang naaaliw sa vlog ni Ivana sa kanyang channel dahil sa kulitan nila ng kanyang pamilya. Makikita rin kasi dito ang kabutihan ng puso ni Ivana na hindi lang siya sa kanyang pamilya matulungin kundi lalo na sa mga kababayan nating labis na nangangailangan.

Samantala, sa muling pagsasama nina Ivana at Zeinab Harake sa kanyang vlog, kumasa sila sa "sis for a day challenge" kung saan bumili pa sila ng twinning bracelet.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel