Zeinab at Ivana, masayang nagkulitan sa Nightmares Manila: "Uy, may papakulam ako"

Zeinab at Ivana, masayang nagkulitan sa Nightmares Manila: "Uy, may papakulam ako"

- Ibinahagi nina Zeinab Harake at Ivana Alawi ang masayang kulitan nila sa Nightmares Manila

- Katunayan, pinabilang pa talag ani Zeinab ang mga tili at hiyawan nila ni Ivana na hindi raw talaga takot sa mga horror house

- Nang makarating sa isang kwarto, nagbiro pa si Zeinab sa isang nananakot na may papakulam umano siya

- Matatandaang minsang nang nagsama ang dalawa sa vlog ni Ivana kung saan bumili pa sila ng twinning bracelet

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Umabot na agad sa mahigit isang milyon ang views ang bonding nina Ivana Alawi at Zeinab Harake sa Nightmares Manila.

Zeinab at Ivana, masayang nagkulitan sa Nightmares Manila: "Uy, may papakulam ako"
Zeinab Harake with Ivana Alawi (@ivanaalawi)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na ibinihagi ito ni Zeinab sa kanyang vlog. Doon makikita ang kulitan ng dalawa lalo na at enjoy lang daw umano si Ivana sa mga horror house at hindi siya gaanong natatakot.

Read also

Andrew Schimmer, masayang ipinakita ang pag-uwi ng kanyang misis mula sa ospital

Subalit halos nagtunggali ang dalawa sa palakasan ng pagtili nang magsimula na silang mag-ikot sa loob nito.

Nang makarating pa sila sa isang bahagi ng lugar, ginulat sila ng isang tila isang mukhang bruha. Doon nagbiro pa si Zeinab na may ipakukulam umano siya gayung mrami siyang kaaway.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Natanong din ni Zeinab ang stylist ni Ivana kung saan ito natatakot gayung aminado itong hindi siya basta natatakot sa mga hosrror house.

Nang malamang takot si Ivana sa ipis, naghanap na ng kasabwat si Zeinab sa staff ng NIghtmare Manila na magsasabog ng maraming props na ipis kay Ivana.

Narito ang masayang kulitan ng dalawa mula sa YouTube channel ni Zeinab Harake:

Si Ivana Alawi ay unang nakilala nang sumali siya sa reality show na "StarStruck" sa GMA-7. Dahil sa kanyang taglay na ganda, sumikat siya sa social media pati na rin sa mundo ng vlogging. Sa kasalukuyan, umabot na sa mahigit 15.9 million ang kanyang mga YouTube subscribers.

Read also

Kobe Paras, muling nag-post ng mga sweet pictures nila ni Erika Rae Poturnak

Marami ang naaaliw sa vlog ni Ivana sa kanyang channel dahil sa kulitan nila ng kanyang pamilya. Makikita rin kasi dito ang kabutihan ng puso ni Ivana na hindi lang siya sa kanyang pamilya matulungin kundi lalo na sa mga kababayan nating labis na nangangailangan.

Sa muling pagsasama nina Ivana at Zeinab Harake sa kanyang vlog, kumasa sila sa "sis for a day challenge" kung saan bumili pa sila ng twinning bracelet.

Mula sa pagiging isang artista at vlogger, isa na rin siyang CEO ng sarili niyang business ang 'Ivana Skin'.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Hot:
Online view pixel