Ivana at Zeinab, bumili ng twinning diamond bracelet sa kanilang sis for a day challenge

Ivana at Zeinab, bumili ng twinning diamond bracelet sa kanilang sis for a day challenge

- Muling nagsama sa isang vlog ang mga YouTube Superstars na sina Ivana Alawi at Zeinab Harake

- Kumasa sila sa "sisters for a day challenge" at talagang naka-twinning pa sila ng kanilang outfit

- Natuwa ang maraming netizens sa kulitan ng dalawa na pwedeng-pwede raw talagang maging magkapatid

- Naisipan din ng dalawa na magkaroon ng diamond bracelets kung saan twinning pa rin sila

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Sa ikalawang pagkakataon, nakasama ni Ivana Alawi sa kanyang channel ang kapwa niya YouTube superstar na si Zeinab Harake.

Ivana at Zeinab, bumili ng twinning diamond bracelet sa kanilang sis for a day challenge
Zeinab Harake and Ivana Alawi (@ivanaalawi)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na kumasa ang dalawa sa 'sisters for a day challenge' sa pinakabagong vlog ni Ivana.

Mula sa kanilang hairstyle pati na rin sa kanilang outfit ay pareho at terno talaga sila.

Game na game ang dalawa sa trip ng isa't isa. Una silang nagkasundo sa pagkain ng 'tusok-tusok' o street foods na pareho pala talaga nilang gusto.

Read also

Viral na dalagita sa unicycle, 30-45 minutong pumapadyak pauwi mula paaralan

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Natuloy ang kanilang kulitan sa Dessert Museum sa Pasay City kung saan mas lalo silang kinagiliwan ng netizens.

At bago nga matapos ang kanilang araw, dumaan sila sa paboritong jewelry store ni Ivana at naisipan nilang magkaroon ng twinning na diamond bracelet.

Ayon dalawa, simula pa lamang daw ito ng kanilang mga collab na talagang pakaaabangan ng kanilang 16 million at 13 million subscribers sa YouTube.

Matatandaang una silang nagkasama sa vlog kung saan na-prank pa ni Ivana si Zeinab na noo'y kinabahan sa 'pagtataray' nito. Kaya naman nang sabihing prank lamang ito ni Ivana, tila nahimasmasan si Zeinab.

Narito ang kabuuan ng masaya at makulit nilang vlog:

Si Ivana Alawi ay unang nakilala nang sumali siya sa reality show na "StarStruck" sa GMA-7. Dahil sa kanyang taglay na ganda, sumikat siya sa social media pati na rin sa mundo ng vlogging. Sa kasalukuyan, umabot na sa mahigit 15.9 million ang kanyang mga YouTube subscribers.

Read also

Lotlot de Leon, nag-post ng picture ng inang si Nora Aunor

Marami ang naaaliw sa vlog ni Ivana sa kanyang channel dahil sa kulitan nila ng kanyang pamilya. Makikita rin kasi dito ang kabutihan ng puso ni Ivana na hindi lang siya sa kanyang pamilya matulungin kundi lalo na sa mga kababayan nating labis na nangangailangan.

Mula sa pagiging isang artista at vlogger, isa na rin siyang CEO ng sarili niyang business ang 'Ivana Skin'.

Bahagi ngayon si Ivana ng teleseryeng 'A family Affair' kung saan kasama niya ang mga aktor na sina Gerald Anderson, Sam Milby at Jake Ejercito.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel