RR Enriquez, natanggap na silver play button mula sa YouTube

RR Enriquez, natanggap na silver play button mula sa YouTube

- Agad na nakatanggap ng silver play button si RR Enriquez mula sa Youtube

- Ito ay dahil sa pagkakaroon niya ng mahigit 100,000 subscribers sa loob lamang ng halos isang buwan mula nang simulan ang mga 'Sawsawera' episodes sa kanyang channel

- Mula sa pagsawsaw sa mga maiinit na isyu sa showbiz na noo'y ginagawa lang niya sa pag-post sa kanyang socmed, ginawa na niya itong content sa YouTube

- Maraming netizens ang natutuwa sa kanyang pagiging 'Sawsawera with a heart' ni RR dahil sa mga prangkang komento at honest opinion na kanyang ibinibigay

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nasurpresa si RR Enriquez sa pinakabagong episode sa kanyang YouTube channel dahil natanggap na niya ang silver play button mula sa YouTube.

RR Enriquez, natanggap na silver play button mula sa YouTube
RR Enriquez kasama ang guest co-host niyang si Dylan Ababou (Screengrab from RR Enriquez Sawsawera Queen YouTube)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na sa loob lamang ng halos isang buwan mula nang simulan ang mga 'sawsawera' episodes sa kanyang YouTube channel, mas lalong dumami ang tumangkilik sa kanyang channel.

Read also

Chad Kinis sa 'jowa reveal' ni MC Muah: "They are not dating"

"Dahil dito, napatunayan ko na isa na akong queen sawsawera. Maraming maraming salamat po YouTube," pahayag ni RR.

"Ang tagal ko sa showbiz, never akong nagkaroon ng plake. Una pa lang to as a Sawsawera Queen. Feeling ko dito talaga ako dinala ni Lord, as a sawsawera pero with a heart," dagdag pa niya.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Samantala, inulan naman ng pagbati si RR lalo na at maraming netizens na ang talaga namang nag-aabang sa kanyang mga video.

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Congratulations RR you deserve the 100k milestone award."
"Congratulations MS.RR for another milestone. Go for the gold"
"Congrats Ms. RR! Deserve mo 'yan. Marami kaming natutunan sa'yo"
"Idol RR, deserve mo yan. Mabilis mo nang makukuha ang gold play button"
"We can't wait to see na hawak mo po ay gold play button na"

Read also

Maricel Soriano, nagpaturo ng pole dancing kay Ciara Sotto

Isa na ngayon sa inaabangan linggo-linggo ang vlog ni RR Enriquez sa kanyang YouTube channel. Matapos kasi siyang mabansagang 'Sawsawera Queen', tila kinagiliwan na ng publiko ang kanyang mga 'honest opinion' sa mga isyu lalong-lalo na sa showbiz.

Si RR ay unang nakilala sa mundo ng showbiz bilang dating Kapamilya artist. Naging bahagi siya ng iba't-ibang mga palabas sa Kapamilya Network kagaya ng noontime show na Wowowee at comedy show na Banana Split na kinalaunan ay naging Banana Sundae hanggang lumipat siya sa ibang estasyon noong 2014. Tumigil na rin siya sa pag-aartista upang mabigyan ng panahon ang kanyang negosyo.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel