Ogie Diaz, may payo kay Heaven bilang dati nitong manager; "Kailangan may mystery ka pa rin"

Ogie Diaz, may payo kay Heaven bilang dati nitong manager; "Kailangan may mystery ka pa rin"

- Nagbigay komento si Ogie Diaz patungkol sa mga larawang naibabahagi ni Heaven Peralejo sa kanyang Instagram

- Bilang dati nitong manager, hindi niya sana papayagan itong mag-post madalas ng mga seksi pictures

- Aniya, sana'y bigyang misteryo pa rin nito ang kanyang mga tagasubaybay at hindi umano agad nakikita sa Instagram

- Gayunpaman, naiintindihan niya na tila komportable lang ang aktres na ipakita napapanatili niyang magandang pangangatawan

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nahingan ni Mama Loi si Ogie Diaz ng opinyon nito patungkol sa mga larawan ng aktres na si Heaven Peralejo sa kanyang Instagram.

Nalaman ng KAMI na dating manager umano ni Heaven si Ogie Diaz na hindi sana siya papayagang mdalas na mag-post ng mga seksing larawang sa kanyang Instagram.

"Kaya lang bilang manager, kung nasa akin pa si Heaven sasabihin ko sa kanya na 'wag ka anak magpa-seksi nang magpa-seksi sa IG. Kasi mawawala 'yung mystery mo. Kailangan may mystery ka pa rin. Kailangan craving for more Heaven Peralejo ang mga tao," paliwanag ni Ogie.

Read also

Ruru sa 'di agad pag-amin sa relasyon nila ni Bianca; "Parehas po kaming galing sa love teams"

"I mean, sa akin lang bilang manager, mas maganda kung magtu-two piece ka doon sa kikita ka ng malaki. career wise ha. Minsan lang ako gagawa ng ganito kailangan model ako ng two piece o kung anumang undergarments 'yun. Dun lang ako bobongga"

Gayunpaman, sinabi rin ni Ogie na maaring ipinagmamalaki lang din ni Heaven ang maganda nitong pangangatawan.

"Doon komportable si Heaven sa outfit niyang ganyan. Siguro gusto niyang ipagmalaki 'yung kanyang katawan na ito na 'yung na-achieve kung nag-gi-gym man siya. 'Yun ang na-achieve."

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag sa kanyang YouTube channel na Ogie Diaz Showbiz Update:

Talagang pinakaabangan ang mga videos ng Ogie Diaz Showbiz Update kung saan kasama rin ni Ogie D sina Mama Loi, Tita Jegs, Ate Mrena at Dyosa Pockoh kung saan napag-uusapan nila ang maiinit na Showbiz balita.

Read also

Ruru Madrid, inaming si Bianca Umali na ang "the one" para sa kanya

Samantala sa kanya namang 'Ogie Diaz inspires channel', mapapanood ang mga interview niya sa mga kilalang personalidad sa bansa.

Kamakailan nga, nakapanayam niya ang aktor na si Andrew Schimmer patungkol sa misis nitong patuloy na lumalaban sa kanyang karamdaman.

Pumalo na sa mahigit 2 million views ang naturang panayam sa loob lamang ng dalawang araw buhat nang ito'y maisa-ere. Sa pamamagitan din kasi ng panayam na ito, mas lalong naunawaan ng publiko ang pinagdadaanan ng pamilya Schimmer at dumagsa rin ang tulong sa pamilyang ito.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel