Business establishment sa Brgy. Tagburos, nakunan ang multicab na posibleng sinakyan ni Jovelyn Galleno
- Isang establisyemento ang nakipagtulungan sa otoridad kaugnay sa kaso ng pagkawala ni Jovelyn Galleno
- Isang business establishment sa Brgy. Tagburos ang nagbigay umano ng kanilang CCTV na nakatutok sa National Highway kung saan nakunan ang multicab na posibleng sinakyan ng dalaga
- Sa kasalukuyan ay wala pang opisyal na pahayag ang PNP kaugnay dito at wala pa ring kumpirmasyon mula sa pamilya ni Jovelyn kung siya ba ang nahagip sa CCTV footage na nakasakay sa multicab
- Matatandaang nawala si Jovelyn noong ika-5 ng Agosto nang hindi ito nakauwi sa kanilang bahay mula sa kanyang trabaho sa isang boutique sa isang mall
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Isang establisyemento umano ang nakikipagtulungan sa otoridad upang makatulong sa kaso ng pagkawala ni Jovelyn Galleno. Nagbigay umano sila ng kanilang CCTV na nakatutok sa National Highway kung saan nakunan ang multicab na posibleng sinakyan ng dalaga.
Base sa isang post ng Radyo Bandera Philippines, ang naturang business establishment ay matatagpuan sa Brgy. Tagburos. Wala pang opisyal na pahayag ang PNP kaugnay dito at wala pa ring kumpirmasyon mula sa pamilya ni Jovelyn kung siya ba ang nahagip sa CCTV footage na nakasakay sa multicab.
Nauna nang naiulat ng Palawan Star na taliwas sa naunang impormasyon na Sedan ang sinakyan ni Jovelyn, multicab umano ang sinakyan nito base na rin sa isang CCTV footage.
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Naiulat naman ng Daily BNC News ang pagtanggi ng manager ni Jovelyn na umano ay may relasyon ang dalaga at ang asawa niya.
Si Jovelyn Galleno ay ang 22-anyos na nagtatrabaho sa isang mall sa Palawan. Nawala siya noong ika-5 ng Agosto kamakailan lang. Ayon sa kanyang kapatid, sinabi ng kanyang employer na 6:30 ng hapon ay nag-out na ito sa kanyang trabaho. Nag-chat pa umano ito sa kanyang kapatid ngunit hindi na ito nakauwi.
Kamakailan ay nakiusap ang kapatid ng nawawalang dalaga na si Jovelyn sa mga netizens. Kaugnay ito sa mga taong gumagawa ng social media account gamit ang pangalan ng ate niya. Aniya, sana ay tigilan na ito bilang respeto na lang sa pamilya nila na hanggang sa kasalukuyan ay nababahala pa rin sa kalagayan ni Jovelyn. Dagdag pa niya, lalong nagiging komplikado ang mga pangyayari dahil sa mga maling impormasyon na inilalabas sa social media.
Samantala, nagpaunlak ng panayam sa Kapuso Mo, Jessica Soho ang store manager sa pinagtatrabahuhang boutique ni Jovelyn. Naikwento niya kung anong klaseng empleyado ang dalaga at aniya ay nakita pa niya sa store si Jovelyn noong tanghali ng August 5. Aniya 6:30 ng hapon na iyon ay pinag-out na niya ang dalaga ngunit nakaramdam umano siya ng kaba. Nakiusap din siya sa mga komento ng mga tao kaugnay sa kanya na tila pinaghihinalaan din siya.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh