John Arcilla, may mga pagbabantang natanggap dahil sa pagganap niya sa FPJAP

John Arcilla, may mga pagbabantang natanggap dahil sa pagganap niya sa FPJAP

- Naibahagi ni John Arcilla ang ilang mensaheng kanyang natanggap kaugnay sa kanyang ginagampanang karakter sa "FPJ's Ang Probinsiyano"

- Marami sa mga natanggap niyang mensahe ay galit at asar sa kanyang karakter sa naturang serye

- Gayunpaman, mayroon ding iba na tila dalang-dala ng kanilang emosyon at nagbanta pa sa award-winning actor

- Nilinaw niyang serye lang iyon at walang personalan kaya sana ay maintindihan ng mga manonood na hindi sila dapat magalit sa kanya

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nakatanggap si John Arcilla ng mga hate messages at mayroon pang pagbabanta dahil sa kanyang pagganap bilang si Renato Hipolito sa programang FPJ's Ang Probinsiyano. Nilinaw niyang serye lang iyon at sana ay walang personalan.

John Arcilla, may mga pagbabantang natanggap dahil sa pagganap niya sa FPJAP
John Arcilla, may mga pagbabantang natanggap dahil sa pagganap niya sa FPJAP (@johnarcilla)
Source: Instagram

Matatandaang isa ang karakter ni John sa mga natirang buhay sa naturang serye at marami itong napaslang sa episode nitong Huwebes. Nakatakdang magtapos ang FPJ's Ang Probinsiyano ngayong Biyernes, August 12, 2022.

Read also

Alodia Gosiengfiao sa breakup nila ni Wil Dasovich: "I don’t want drama, to be honest"

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Si John Arcilla o Romeo Gonzales Arcilla sa totoong buhay ay isang aktor at environmental advocate. Ipinanganak siya noong Hunyo 24, 1966 kina Dominador Gil Alemania Arcilla at Eustacia Gonzales sa Quezon City. Si John ay mula sa angkan ng dating Pangulong Manuel L. Quezon.

Noong nakaraang taon, nanalo si John ng Volpi Cup para sa Best Actor award niya sa 78th Venice Film Festival. Nakuha ng aktor ang award para sa kanyang lead role sa political-thriller na pelikulang “On the Job: The Missing 8.” Siya ang hinirang na Best actor at tinalo niya ang mga Hollywood stars na sina Oscar Isaac at Benedict Cumberbatch. Ipinahayag ni John ang kanyang panghihinayang sa kanyang virtual acceptance speech sa hindi niya pisikal na pagdalo sa seremonya sa Italya.

Read also

Francine Diaz, aminadong kinakabahan ngunit excited sa bagong serye

Matapos ang ilang linggong paghihintay, pisikal na natanggap ni John ang sikat na Volpi Cup na dapat niyang matanggap nang manalo siya bilang Best Actor sa 78th Venice International Film Festival. Kahit bakunado siya at pinayagan ng production team ng “Ang Probinsyano,” hindi pumunta si John sa international event dahil ipinapayo daw ito ng kanyang doktor. Dahil dito, kailangan niyang maghintay ng ilang linggo upang matanggap ang sikat na Volpi Cup. Nagulat din ang aktor nang makitang may kasama itong mamahaling relo ng Cartier na panlalaki.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate