Alodia Gosiengfiao sa breakup nila ni Wil Dasovich: "I don’t want drama, to be honest"

Alodia Gosiengfiao sa breakup nila ni Wil Dasovich: "I don’t want drama, to be honest"

- Binahagi ni Alodia Gosiengfiao na binalak niyang manahimik na lamang sana kaugnay sa paghihiwalay nila ni Wil Dasovich

- Aniya, ayaw niya ng ingay at drama hangga't maari kaya naisipan niyang huwag na lang sana magsalita tungkol dito

- Gayunpaman, dahil sa kanyang pananahimik ay marami na rin ang nagtanong sa kanya tungkol sa kanila ni Wil

- Nahirapan umano siyang magsinungaling kaya naman minabuti na lamang niyang mag-post para ipaalam ang tungkol sa kanilang breakup

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Ayon kay Alodia Gosiengfiao, ayaw niya umano sana ng drama at ingay kaugnay sa breakup nila ni Wil Dasovich. Sa vlog ni Dra. Vicki Belo, sinabi ni Alodia na binalak niyang manahimik na lamang sana kaugnay sa paghihiwalay nila.

Alodia Gosiengfiao sa breakup nila n i Wil Dasovich: "I don’t want drama, to be honest"
Alodia Gosiengfiao sa breakup nila n i Wil Dasovich: "I don’t want drama, to be honest" (@alodia)
Source: Instagram
“It was last year but the announcement came later kasi I wanted to keep it under wraps. I mean, as much as possible I don’t want any noise. I don’t want drama, to be honest,

Read also

Buboy Villar, aminadong sobrang laki ng tulong ni Marian Rivera sa career nya

Gayunpaman, dahil sa kanyang pananahimik ay marami na rin ang nagtanong sa kanya tungkol sa kanila ni Wil. Dahil nahirapan umano siyang magsinungaling ay napagpasyahan niyang magpost na lamang.

“Eventually, people kept on asking what had happened. I was flying to L.A. that time and everyone in the airport was asking where my [ex-boyfriend was]. It was hard for me to lie so eventually I had to post online so that people know,”

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si Alodia Gosiengfiao ay nakilala bilang isa sa pinakasikat na cosplayer sa bansa. Isa din siyang game streamer at vlogger. Naging usap-usapan ang pagpunta ni Alodia sa US noong nagkasakit si Wil Dasovich at nagpapagaling sa cancer. Matagumpay din si Alodia sa larangan ng kanyang negosyo. Isa siya sa may-ari ng Tier 1 Entertainment, isang e-sports entertainment company.

Read also

Kristel Fulgar, sinundo ni "Big Boss" sa kanyang pagpunta sa Korea

Sa kanyang binahaging video reel sa Instagram, pinasilip ni Alodia ang kanyang bakasyon kasama ang boyfriend nito. Mapapansin sa ilang bahagi ng kanyang video reel ang paglakad nila nang magkahawak-kamay. Matatandaang nitong nakaraang Mother's Day ay kasama si Alodia sa family dinner nina Christopher Quimbo.

Binahagi din ni Alodia ang isang video kung saan kasama si Christopher. Base sa kanyang social media post, dumalo sila sa world premiere ng pelikulang ‘Doctor Strange’ Los Angeles. Ibinahagi din ni Christopher ang kanilang picture sa pamamagitan ng kanyang Instagram story. Matatandaang unang lumabas ang balita tungkol sa kanila matapos mag-post ni Alodia ng kanilang picture na kuha sa kanilang Palawan trip

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel