Dalawang installer, nasawi sa pagbagsak ng inaayos nilang elevator sa Makati
- Kumpirmadong patay ang dalawang katao sa pagbagsak ng elevator sa isang condominium sa Makati City
- Naganap ang pagbagsak ng elevator sa Burgundy Tower bandang alas sais ng umaga ng Hulyo 8
- Agad na rumesponde ang mga rescue units sa lugar at narekober ang mga bangkay ng nasawi
- Noong nakaraang taon, naging kontrobersyal din ang isa pang hotel sa Makati matapos na matagpuang patay ang isang Flight attendant
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Patay ang dalawang katao matapos na bumagsak ang isang elevator sa Burgundy Corporate Tower sa Gil Puyat, Barangay Pio del Pilar, Makati City.
Nalaman ng KAMI na naganap ang naturang insidente bandang alas sais ng umaga ng Huyo 8.
Sa ulat ng ABS-CBN Teleradyo, sinabi ng Bureau of Fire Protection sa lugar na agad na rumesponde ang kanilang rescue units.
Unang naiulat na isa lamang ang binawian ng buhay sa nasabing insidente. Sabalit matapos ang ilang oras, narekober pa ang isang bangkay.
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Sinabing pawang mga elevator installers ang dalawang nasawi na siyang nag-aayos ng kalauna'y bumagsak na elevator.
Mula sa ikaanim na palapag ng gusali, bumagsak ang naturang elevator na siyang dahilan ng pagkamatay ng dalawa.
Ayon sa pamunuan ng nasabing gusali, anim ang elevator sa nasabing condominium at bukod tanging ang bumagsak na elevator ang matagal nang out of order kaya naman kinukumpuni ito ng mga elevator installer.
"The abovementioned victims/deceased and with two other elevator installers, were fixing an elevator at 6th Floor when suddenly an elevator from 38th Floor accidentally fell to basement that resulted in the death of herein victims and injured two others," ayon sa National Capital Region Police Office (NCRPO).
Sa inisyal na imbestigasyon ng PNP, dalawa pang elevator installer ang nasabing sugatan sa naturang insidente.
Matatandaang sa pagpasok ng taong 2021 naging kontrobersyal din ang isa pang hotel sa Makati kung saan natagpuang patay ang isang 23-anyos na flight attendant na si Christine Dacera bago siya makitang wala nang buhay sa bathtub ng tinuluyang kwarto sa City Garden Hotel sa Makati noong Enero 1 ng 2021.
Pebrero ng kasalukuyang taon, tuluyan nang ibinasura ng korte ang lahat ng kasong may kaugnayan sa pagkamatay ni Dacera.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh