Wedding video ng emosyonal na bride at groom na 'di patinag sa ulan, viral

Wedding video ng emosyonal na bride at groom na 'di patinag sa ulan, viral

- Viral ang maiksing video ng paglakad ng isang bride sa gitna ng ulan patungo sa kanyang groom

- Mapapansing nakapayong pa ang bride sa simula ngunit tinanggal na rin niya bago pa man makarating sa altar

- Makikitang basa na rin sa ulan ang emosyonal na groom gayundin ang mga kasama nito habang naghihintay sa kanyang bride

- Umabot sa mahigit 1 million ang views ng naturang TikTok video na umantig sa puso ng maraming netizens

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Agaw eksena sa social media ang TikTok video ng Hip Events Team kung saan hindi naiwasang maging emosyonal ng bride at groom sa gitng ng ulan.

Wedding video ng emosyonal na bride at groom na 'di patinag sa ulan, viral
Photo: (@hipeventsteam)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na hindi umano nagpatinag sa ulan ang dalawa na itinuloy ang kanilang tila isang garden wedding,

Sa video makikitang matiyagang naghihintay ang groom kasama ang kanyang mga groomsmen sa ulanan.

Read also

Tinaguriang "Half-man skateboarder", nanatiling positibo sa kabila ng kapansanan

Ang kanyang bride, naluluha na sa paglalakad patungong altar na nakapayong.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Subalit hindi nagtagal, tinanggal na rin niya ang payong at hinayaang mabasa na rin ang sarili tulad ng kanyang groom na naghihintay sa kanya.

Kapansin-pansin din ang mga groomsmen na emosyonal na rin dala ng nakakatunaw ng pusong sitwasyon sa kasalan.

Samantala, narito naman ang komento ng ilang mga netizens:

"So cute. Pati yung mga groomsmen talagang naiyak. Congrats!"
"Ulan lang yan, nagmamahalan sila! Congrats to the both of you. Blessing yan"
"'Yung reaksyon talaga ng groom at groomsmen ang nagpaiyak sa akin"
"Such a touching scene. Congratulations to the newlyweds!"

Kamakailan, naging agaw-eksena rin sa social media ang bagong kasal na tila naging instant millionaire dahil sa nalikom nila sa kanilang money dance.

Read also

Korina Sanchez, pinakita ang nakakaaliw na pag-uusap ng mga anak

Kinagiliwan at hinangaan din ng marami ang isang kasalan na Php 3,000 lang ang nagastos ng bride at groom sa kanilang wedding reception na ginanap sa Mang Inasal.

Gayundin ang isang bride na ayaw ng enggrandeng kasalan kaya naman niregaluhan na lamang siya ng kanyang groom ng 6000 sqm na lote.

Sa panahon ng pandemya, ilan lamang sila sa mga hindi nagpatinag sa virus at itinuloy pa rin ang kanilang pag-iisang dibdib. Siniguro lamang nila ang pagsunod sa safety protocols at tamang bilang ng mga panauhin.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel