ABS-CBN reporter, kinaaliwan matapos ibahagi ang natanggap na free hug
- Umani ng positibong komento ang social media post ng reporter ng ABS-CBN na si Izzy Lee
- Habang naghahanda siya para sa kanyang pag-ulat, isang palaboy ang lumapit sa kanya
- Sa sumunod na picture ay makikita itong nakayakap na sa reporter at nakangiti png nakatingin sa camera
- Marami ang natuwa sa naging reaksiyon ng reporter kahit halatang nagulat din ito sa ginawa ng babae
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Marami ang natuwa sa bagong reporter ng ABS-CBN na si Izzy Lee. Ito ay matapos niyang ibahagi ang pictures na kuha habang naghahanda siya para sa kanyang live report. Isang palaboy ang lumapit sa kanya na kinalaunan ay yumakap sa kanya.
“So this happened at work today. A free hug,” ani Lee sa kanyang tweet. Umabot sa mahigit 40,000 na beses itong ni-retweet at 329.5K na likes mula sa mga Twitter users.
Marami ang natuwa sa naging reaksiyon ng reporter kahit halatang nagulat din ito sa ginawa ng babae:
Ang boto natin sa Mayo9 ay lalong para sa kanila. Bumoto tayo ng tama. Maka-Diyos. Maka-Bayan. Maka-Tao. Yung tunay at walang bahid ng kasinungalian.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
She trusted you and found comfort, they're usually fearful and distrustful of strangers. They shun any social contact
Biglang akong nag follow nang makita ko 'tong post! Bihira ang ganitong tao na walang ka arte arte at hindi alam na maganda s'ya! Fan mo na'ko mula ngayon! More power and Godbless you
Si Izzy Lee ay isang reporter sa ABS-CBN. Base sa kanyang Twitter profile, nagtrabaho sin siya sa GMA News at PumaPodcast. Nito lamang April 25 ay binati siya ng kanyang kasamahan sa ABS-CBN sa pagiging bahagi nito ng ABS-CBN News.
Ang ABS-CBN o Alto Broadcasting System - Chronicle Broadcasting Network ay kilala din sa tawag na Kapamilya network. Maitututring itong isa sa pinakamalaking istasyon ng telebisyon sa bansa. Ayon sa kanilang pahayag, 11,000 ang empleyado nito na apektado sa kasalukuyang krisis na kanilang kinakaharap.
Ilan sa mga Kapamilya stars ang naglabas ng kanilang saloobin hinggil sa pagkaka-deny sa franchise renewal ng ABS-CBN. Ilan sa mga ito ay sina John Manalo, RR Enriquez, Edward Barber at marami pang iba.
Source: KAMI.com.gh