Viral misis na nagbenta ng gamit ng umano'y nang-iwan na mister, 3 beses iniwan at binalikan

Viral misis na nagbenta ng gamit ng umano'y nang-iwan na mister, 3 beses iniwan at binalikan

- Ikinuwento ng misis na si Jam ang detalye ng nasa likod ng viral online selling niya

- Matatandaang si Jam ang misis na lakas-loob ibinenta ang mga gamit ng umano'y nang-iwan na mister

- Aniya, hindi pala ito ang unang beses na iniwan siya ng mister para sa iisang babae

- Hindi raw niya akalain na sa ikatlong pagkakataon ay magagawa pa rin siyang lokohin at iwan ng asawa

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Ibinahagi ng misis na si Jam ang kwento sa likod ng viral online selling video niya kung saan nagawa niyang ibenta ang mga gamit ng kanyang mister na umano'y nang-iwan sa kanilang mag-iina.

Viral misis na nagbenta ng gamit ng umano'y nang-iwan na mister, 3 beses iniwan at binalikan
Photo: Eat Bulaga
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na hindi pala ito ang unang beses na iniwan si Jam ng kanyang mister para sa iisang babae.

Kwento niya sa Bawal Judgmental ng Eat Bulaga, tatlong beses na siyang iniwan at tatlong beses na rin siyang binalikan ng mister.

Read also

TikTok Star na kamukha raw ni Lee Dong-Wook, umaming gumagamit ng filter

"3 times na po niya kaming iniwan and 3 times na rin po akong binalikan. Ang for the third time po, sobrang hindi ko inexpect na iiwan niya ulit kami."

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

"So nasaan 'yung sincerity? hindi ko na po sure kung maniniwala pa ako ulit kasi third time na po for the same girl e," buong tapang na ibinahagi ni Jam.

Narito ang kabuuan ng kanyang kwento:

Tulad ni Jam, isa rin sa mga nakilalang online seller kamakailan ay si Madam Inutz na sa ngayon ay umaariba ang career.

Siya ay si Daisy Lopez na mas kilala bilang si Madam Inutz na nakilala sa kanyang kakaiba at nakakaaliw na live-selling kung saan tahasan niyang minumura ang kanyang mga viewers. Hindi raw kasi nagma-mine ang mga ito at tumatambay lang sa kanyang live selling. Sa kabila nito tumatabo ng mahigit 150,000 ang mga viewers niya kaya naman mabilis siyang nakilala online.

Read also

Seth Fedelin, humiling na tigilan na ang mga pambabatikos sa kanyang kaibigan

Dahil dito, nakilala at minahal siya ng publiko lalo na nang malaman nila ang kwento kanyang pagsisikap.

Naging bahagi siya ng Pinoy Big Brother Kumunity Season 10 celebrity edition kung saan pasok siya sa Final 5.

Nang makalabas sa bahay ni Kuya, agad niyang hinarap ang mga proyektong inihanda sa kanya ng manager na si Wilbert Tolentino.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel