Viral video ng inakalang nanakawan ng motor, nagpakaba at nagpatawa sa netizens

Viral video ng inakalang nanakawan ng motor, nagpakaba at nagpatawa sa netizens

- Nag-viral ang video kung saan aakalaing nakunan ng CCTV ang lantarang pagnanakaw ng isang 'keyless' na motorsiklo

- Sa umpisa kasi, isang lalake ang nakatambay sa isang motor at nilapitan siya ng riding-in-tandem

- Sinundan pa ito ng dalawang naka-motor ngunit kaya aakalaing apat ang nagnanais na makuha ang motorsiklo ng lalake

- Nang magkahabulan at magkapanagpo, naging isang TikTok dance ang pagtatapos ng eksena

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Nagpakaba ngunit nagpatawa umano sa mga netizens ang video ni "Papa Gi" kung saan aakalain talagang nasapul ng CCTV ang bawat eksena ng lantarang pang-aagaw ng motor ng riding-in-tandem.

Sa umapisa ng video, isang lalake ang nakatambay sa pinaniniwalaang motorsiklo nito nang lapitan siya ng riding-in-tandem at sapilitang inaagaw sa kanya ang motor.

Viral video ng inakalang nanakawan ng ng motor, nagpakaba at nagpatawa sa netizens
Viral video ng inakalang nanakawan ng ng motor, nagpakaba at nagpatawa sa netizens (Papa Gi)
Source: Facebook

At dahil sa 'keyless' daw ito, hindi agad napaandar ang sana'y aagawing sasakyan nang biglang dumating ang dalawa pang riding-in-tandem na kasama ng naunang dalawa.

Read also

Police trainee, inakalang naparusahan sa surpresang marriage proposal ng nobyo

Nang hindi mapaandar ang motor na kukunin, hinabol na lamang nila ang lalaking nagtatakbo at iniwan ang kanyang motor.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Hanggang sa humingi umano ito ng tulong sa mga tambay kaya bahagyang nahinto ang apat na humahabol sa kanya.

Iyon pala, lahat ng mga tao sa video ay magkakasabwat at sa huling eksena, isang TikTok dance ang kanilang ginawa. Sa ngayon, mayroon nang 11 million views ang naturang post.

Mapapanood ang kabuuan ng video sa Facebook page na 'Papa Gi'

Isa ang paggawa ng mga videos sa iba't ibang social media platforms ang nagsilbing libangan ng mga Pinoy habang kinakaharap ang pandemya.

Dahil dito, kabi-kabilang mga videos naman ang nagiging viral lalo na kung patok ito at labis na kinagigiliwan ng mga tao.

Ilan sa mga ito ay mga nagsulputang dance craze na maging ang mga sikat at kilalang personalidad ay nagagawa ito.

Read also

Ina ng Maguad siblings, emosyonal nang makita ang mga lumang post ng panganay na anak

Isa na rito si Robin Padilla na bilang dare ni Aiko Melendez, hindi lamang napakanta ng 'Buwan' kundi napasayaw pa ito ng 'Paro-Paro G' na sikat na sikat ngayon sa TikTok.

Maging ang tumatakbong senador na si Joel Villanueva ay hindi rin nakaligtas sa pagsasayaw ng 'Paro-paro G' dahil sa tanong ni Aiko sa kanya na ayaw niyang sagutin.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel