Joel Villanueva, napasayaw ng 'Paru-paro G' sa Truth or Dare sa kanya ni Aiko Melendez

Joel Villanueva, napasayaw ng 'Paru-paro G' sa Truth or Dare sa kanya ni Aiko Melendez

- Napasayaw ng 'Paru-paro G' si Senator Joel Villanueva sa 'truth or dare ' sa kanya ni Aiko Melendez

- Sa naturang challenge, kailangang sumagot ang senador at kung hindi, gagawa siya ng isang dare

- Dahil hindi na niya kayang sagutin ang tanong na sino sa mga nakatrabahong senador ang sa tingin niyang hindi nag-perform, napasayaw tuloy siya bilang dare

- Una na rin siyang nag-dare nang matanong naman ni Aiko kung sino sa mga kasama ang hindi na dapat pang makasama sa 12 mga senador

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Game na game si Senator Joel "Tesdaman" Villanueva sa pagsayaw ng sikat na TikTok dance ngayon ang 'Paru-paro G'.

Nalaman ng KAMI na bahagi ito ng dare sa kanya ni Aiko Melendez gayung may hindi nasagot na tanong ang senador sa kanyang 'truth or dare' challenge.

Read also

Joel Villanueva, napaaming celebrity crush niya noon si Carmina Villaroel

Joel Villanueva, napasayaw ng 'Paru-paro G' sa Truth or Dare sa kanya ni Aiko Melendez
Joel Villanueva, napasayaw ng 'Paru-paro G' sa Truth or Dare sa kanya ni Aiko Melendez
Source: Facebook

Natanong kasi ni Aiko kung sino sa mga nakatrabahong senador ni 'Tesdaman' ang sa tingin niya'y hindi nagperform.

Dahil sa hindi niya kayang sagutin, kumasa na lamang siya sa dare at ito ay ang pagsayaw ng 'Paru-paro G.' "Mahal ko kayo mga senador," na lamang ang nasabi niya.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Samantala, nag-dare na lamang din si Senator Joel nang mauna siyang tanungin ni Aiko kung sino sa mga kasamahan niyang senador ang hindi na dapat mapasama pa sa top 12.

"I feel ma'am na each and every member of the senate na na-elect, voice of God voice of the people and I think each one of them have their own expertise. Wala akong ni-isa sa kanila na masasabi kong kaya kong gawin lahat, mas expert ako sa kanya ther will be something na mas expert siya sa akin," paliwanag ni re-electionist.

Read also

Megan Young, saksi lamang sa mga break-ups na nangyayari sa beauty pageant

Narito ang kabuuang panayam kay Senator Joel na mapapanood sa YouTube channel ni Aiko Melendez:

Si Aiko Melendez ay isa sa mga kilalang Filipina actress sa bansa. Taong 2018 nang makamit niya ang best supporting actress para sa pelikulang “Rainbow’s Sunset.” Naging konsehal din siya ng ikalawang distrito ng Quezon City at nanilbihan sa loob ng siyam na taon hanggang 2010.

Sa ngayon, abala rin si Aiko sa paghahanda sa muli niyang pagtakbo bilang konsehal sa Quezon City.

Samantala si Joel Villanueva ay nagsisilbing senador ng bansa mula taong 2016. Kilala siya bilang si "Tesdaman" sa pagiging Director General of the Philippine TESDA. Ikalawa siya sa apat na mga anak ni president-founder ng Jesus Is Lord Church Worldwide na si Bro. Eddie Villanueva.

Matatandaang sa panayam naman sa kanya ni Ogie Diaz, hindi napigilang maging emosyonal ng senador nang mapag-usapan ang yumaong kapatid na si dating Bocaue Mayor Joni Villanueva.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel