Joel Villanueva, napaaming celebrity crush niya noon si Carmina Villaroel

Joel Villanueva, napaaming celebrity crush niya noon si Carmina Villaroel

- Napaamin ni Aiko Melendez si Senator Joel Villanueva kung sino ang naging celebrity crush nito

- Ikinuwento naman ng senador na tila fan mode talaga siya noon kay Carmina VIllaroel

- Inamin niyang inalam niya noon ang mga detalye tungkol sa aktres

- Dumating pa sa puntong nagpagupit siya sa stylist na si Jun Encarnacion nang malamang nasa salon nito si Carmina

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Nahihiya pang inamin ni Senator Joel "Tesdaman" Villanueva kay Aiko Melendez na ang kaibigan nitong si Carmina Villaroel ang ulitimate celebrity crush niya.

Joel Villanueva, napaaming ultimate crush niya noon si Carmina Villaroel
Senator Joel Villanueva
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na nakapanayam ni Aiko sa kanyang YouTube channel si Senator Joel at isa sa mga naitanong niya sa 'truth or dare' portion ng kanyang interview ay kung sino ang celebrity crush nito.

"Naku, magugulat kayo dito. Grade school pa lang po ako, nagti-tape po ako sa betamax ng commercial ni Carmina Villaroel sa Jollibee"

Read also

Joel Villanueva, napasayaw ng 'Paru-paro G' sa Truth or Dare sa kanya ni Aiko Melendez

Si Carmina ay bahagi ng palabas noong na '13,14, 15' kung saan kasama rin niya si Aiko. Sinabi ng senador na maging ang TV show na iyon ay kanyang pinapanood dahil naroon si Carmina.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

"Inalam ko kung saan siya nakatira, anong sasakyan niya... This is so weird. I have not admitted this in national television. Parang siya yung naging basis ko ng, parang yung katangian ko ng isang maganda, basta kung kamukha siya ni Carmina," pagdedetalye ni Senator Joel.

Aniya, hindi pa niya talaga nakakausap si Carmina. Inalala pa niya ang isang pagkakataong pumunta siya sa salon ng celebrity stylist na si Jun Encarnacion nang malaman niyang naroon ang kanyang celebrity crush.

"There was a time po, high school po ako, kay Jun Encarnacion, katabi ng Dimasalang is Laong-Laan nagpunta po si Carmina Villaroel nalaman ko po na nando'n so nagpunta din po ako para magpagupit,"

Read also

Megan Young, saksi lamang sa mga break-ups na nangyayari sa beauty pageant

Kahit maiksi pa raw ang buhok noon ni Sen. Joel, pilit siyang nagpagupit makita lamang si Carmina ngunit hindi naman niya ito nakausap.

"I'm very happy na nagkaroon ako ng chance na ganoon po ano, I don't know pero parang nakakahiya rin," dagdag pa ng senador.

Narito ang kabuuan ng panayam kay Senator Joel na mapapanood sa YouTube channel ni Aiko Melendez:

Si Aiko Melendez ay isa sa mga kilalang Filipina actress sa bansa. Taong 2018 nang makamit niya ang best supporting actress para sa pelikulang “Rainbow’s Sunset.” Naging konsehal din siya ng ikalawang distrito ng Quezon City at nanilbihan sa loob ng siyam na taon hanggang 2010.

Sa ngayon, abala rin si Aiko sa paghahanda sa muli niyang pagtakbo bilang konsehal sa Quezon City.

Samantala si Joel Villanueva ay nagsisilbing senador ng bansa mula taong 2016. Kilala siya bilang si "Tesdaman" sa pagiging Director General of the Philippine TESDA. Ikalawa siya sa apat na mga anak ni president-founder ng Jesus Is Lord Church Worldwide na si Bro. Eddie Villanueva.

Source: KAMI.com.gh

Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica

Online view pixel