Robin Padilla, napakanta at napasayaw sa 'truth or dare' sa kanya ni Aiko Melendez

Robin Padilla, napakanta at napasayaw sa 'truth or dare' sa kanya ni Aiko Melendez

- Pinili ni Robin Padilla na kumanta at sumayaw na lamang kaysa sagutin ang dalawang tanong sa kanya ni Aiko Melendez

- Bahagi ito ng interview sa kanya ni Aiko kung saan na-challenge siya nito ng 'truth or dare'

- Sinagot naman ni Robin ang ilang katanungan ngunit sa dalawang huling tanong ginawa niya ang dare

- Si Robin ay tumatakbo bilang senador sa gaganaping halalan, Mayo ngayong taon

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Napakanta at napasayaw si Robin Padilla sa interview sa kanya ni Aiko Melendez.

Nalaman ng KAMI na bahagi ng panayam ang 'truth or dare' challenge ni Aiko kay Robin.

Robin Padilla, napakanta at napasayaw sa 'truth or dare' sa kanya ni Aiko Melendez
Photo: Robin Padilla
Source: Instagram

Sinagot naman niya ang ilang katanungan tulad ng ano ang pinaka-ayaw niyang naging pelikula. Sinabi niyang naloko umano siya ng direktor at producer nito.

Ngunit nang tanungin kung may artista bang may pagkaka-utang sa kanya at kung sino sa mga artistang tumatakbo ng senador ang dapat niyang maungusan, pinili na lang ni Robin na gawin ang dare.

Read also

Angeline Quinto, masayang ipinasilip ang ultrasound ng kanyang baby boy

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Marami raw ang may utang sa kanyang celebrity ngunit ayaw niya itong pangalanan kaya naman napakanta na lang siya ng "Buwan."

At dahil hindi rin niya kayang pangalanan ang kapwa niya artistang kumakandidato rin sa senado, napasaywa naman siya ng usaong TikTok dance ngayon ang "Paro-paro G."

Tuwang-tuwa naman si Aiko at game na game naman si Robin sa mga challenges niya rito.

Narito ang kabuuan ng video mula sa Aiko Melendez YouTube channel:

Si Robin Padilla ay isa mga kilalang action star at endorser sa bansa. Siya ay kasal sa TV host-actress na si Mariel Rodriguez-Padilla. Nabiyayaan sila ng dalawang anak na sina Isabella at Gabriela. Si Robin din ang ama ng GMA aktres na si Kylie Padilla.

Kasalukuyang tumatakbo sa pagka-senador si Robin para sa darating na Halalan sa Mayo 2022. Marami ang kumpiyansang mananalo umano ito gayung marami ang nakakakilala sa kanya.

Read also

Contestant sa It's Showtime, kinilig nang yakapin ni Vice Ganda

Isa sa hayagang nagbigay ng suporta kay Robin ang social media personality na si Jam Magno. Ayon kay Jam, nakita niya kung gaano ka-busy si Robin sa pagtulong sa mga nasalanta ng Bagyong Odette.

Sa tindi umano ng pagtulong ni Robin, napansin ni Jam na maging ang Pasko at Bagong Taon ay isinakripisyo nito na makasama ang pamilya para lang tuloy-tuloy ang pagtulong sa mga hindi pa natin nakakabangong mga kababayan dahil kay 'Odette'.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel