Angeline Quinto, masayang ipinasilip ang ultrasound ng kanyang baby boy

Angeline Quinto, masayang ipinasilip ang ultrasound ng kanyang baby boy

- Ibinahagi ni Angeline Quinto ang ilang kaganapan sa pagpapa-ultrasound niya

- Nasa anim na buwang buntis na si Angeline at kamakailan nga ay nagkaroon sila ng gender reveal party sa bahay nina Vice Ganda

- Natuwa si Angeline nang ang mismong anak niya ang tila pumuwesto na para makita ang kasarian nito

- Napansin din ni Angeline ang ilong ng kanyang baby Boy na sana raw ay sa kanya magmana

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Masayang ipinakita ni Angeline Quinto ang ilang mga kaganapan sa kanyang pagpapa-ultrasound lalo na malapit-lapit na niyang makasama ang kanyang baby boy.

Nalaman ng KAMI na sa pinakabagong vlog ni Angeline, naikwento niya ang ilan pang mga pangyayari tungkol sa kanyang pagbubuntis maging ang gender reveal party na ginanap sa tahanan ni Vice Ganda.

Angeline Quinto, masayang ipinasilip ang ultrasound ng kanyang baby boy
Photo: Angeline Quinto

Ayon kay Angeline, sa concert sana niya kamakailan na 10Q ibabahagi ang kasarian ng kanyang baby.

Read also

Vice Ganda, na-enjoy pa rin ang kanyang 'super scary flying experience'

Subalit dahil hindi na umabot sa nasabing concert ang resulta, kinailangan nilang kunan ito ng dalawang beses, isa para sa isang boy at isa para sa girl gayung hindi pa talaga nila alam noon ang gender nito.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kaya naman naganap ang gender reveal sa party na inihanda para sa kanya ni Vice Ganda.

At nang ipakita rin ni Angeline ang kanyang ultrasound, tuwang-tuwa ang singer nang mapansing matangos ang ilong ng kanyang baby boy.

"Doktora matangos 'yung ilong niya 'no? Sana sa'kin magmana," aniya.

Ang masaya pa rito, tila mismong ang baby na niya ang nag-reveal kung ano ang gender niya base sa pwesto nito nang magpa-ultrasound.

Narito ang kabuuan ng video mula sa kanyang YouTube channel na Love Angeline Quinto:

Si Angeline Quinto ay isang mang-aawit na kinalaunan ay naging aktres din. Una siyang sumikat sa mundo ng entertainment at music scene nang sumali siya sa Star Power: Sharon's Search For The Next Female Pop Superstar. Bukod sa husay niya sa pagkanta, pinasok din ni Angeline ang paggawa ng mge telserye at pelikula.

Sa ngayon, lampas na sa isang milyon ang subscribers ng kanyang YouTube channel na Love Angeline Quinto. Mula nang kumpirmahin niya sa publiko ang kanyang masayang pagdadalang-tao, madalas na siyang mag-share ng kanyang pregnancy journey sa kanyang channel.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica

Hot:
Online view pixel