Angeline Quinto sa kanyang cravings: "Kadugtong pa rin ba itong paglilihi ko?"

Angeline Quinto sa kanyang cravings: "Kadugtong pa rin ba itong paglilihi ko?"

- Limang buwang buntis na si Angleine Quinto subalit tila naglilihi pa rin umano siya

- Sa nauna niyang vlog mga pagkaing mapuputi ang kanyang napaglihihan, subalit ngayong nasa 2nd trimester na siya ay may mga nais siyang kainin nang walang pinipiling oras

- Ipinakita niyang minsan na rin siyang sumama na mamili ng mga pagkaing nais niyang ipaluto

- Gayunpaman, paalala ni Angeline sa mga tulad niyang first time pa lamang na magbuntis na mag-control at maghinay-hinay pa rin sa mga kinakain

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Masayang ibinahagi ni Angeline Quinto na hanggang ngayon ay tila naglilihi pa rin siya kahit ikalimang buwan na niya sa pagbubuntis.

Nalaman ng KAMI na una nang naibahagi ni Angeline sa kanyang vlog na mga mapuputing mga pagkain ang kanyang napaglihihan.

Angeline Quinto sa kanyang mga cravings: "Kadugtong pa rin ba itong paglilihi ko?"
Photo: Angeline Quinto

Subalit ngayong nasa ikalawang trimester na siya ng pagdadalang-tao sa kanyang magiging first baby ay mga pagkain pa rin siyang nais na kainin na walang pinipiling oras.

Read also

Doc Willie Ong, nagpositibo sa COVID-19; nagbigay ng payo base sa kanyang nararanasan

Ipinakita pa niyang sumama siya minsan sa pamimili ng mga pagkaing nais niyang ipaluto.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tanong tuloy ni Angge ay kung kadugtong pa rin umano ito ng kanyang paglilihi dahil iba't ibang pagkain na ngayon ang bigla na lamang gusto niyang kainin.

Ilan sa mga ito ay ang beef shawarma, chicken ng Kenny Roger's, Cheetos at marami pang iba.

Ipinaaalam naman niya sa kanyang Ob gynecologist ang mga cravings na ito na minsan nama'y tinitikman lang niya lalo na kung alam niyang unhealthy ang mga ito para lang mapagbigyan ang hinahanap ng kanyang panlasa.

Ito rin ang paalala niya sa mga tulad niyang first time pa lang na magbuntis na matutong mag-control at maghinay-hinay pa rin habang pinagbibigyan ang sarili.

Mapapanood ang kabuuan ng vlog sa kanyang Youtube channel na Love Angeline Quinto:

Read also

Toni Fowler, umalma sa pang-uugnay sa kanya sa reklamo sa nanay-nanayan

Si Angeline Quinto ay isang mang-aawit na kinalaunan ay naging aktres din. Una siyang sumikat sa mundo ng entertainment at music scene nang sumali siya sa Star Power: Sharon's Search For The Next Female Pop Superstar. Bukod sa husay niya sa pagkanta, pinasok din ni Angeline ang paggawa ng mge telserye at pelikula.

Sa ngayon, road to 1 million na ang kanyang YouTube channel na Love Angeline Quinto kung saan niya naibahagi ang detalye ng kanyang masayang pagbubuntis.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel