Kapamilya hosts, naluha sa awitin ni Angeline Quinto para sa mga biktima ni 'Odette'

Kapamilya hosts, naluha sa awitin ni Angeline Quinto para sa mga biktima ni 'Odette'

- Hindi napigilan ng mga kapamilya hosts na sina Bianca Gonzales at Robi Domingo na mangilid ang mga luha habang kumakanta si Angeline Quinto

- Bukod sa nakakantig pusong awitin ni Angeline, ipinakikita rin sa background nito ang kalagayan ng mga kababayan nating apektado ng Bagyong Odette

- Ang munting benefit concert na ito kung saan nagtanghal si Angeline ay kanilang handog sa mga nasalanta ni Odette

- Ilang mga artista na rin ang nagkusang magpaabot ng kanilang tulong lalo na at sasapit pa ang Kapaskuhan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Isang nakaaantig ng pusong mga awitin ang kinanta ni Angeline Quinto sa “Tulong-Tulong sa Pag-ahon: Andito Tayo Para sa Bawat Pamilya,” ang benefit ABS-CBN Foundation para sa mga biktima ng super typhoon 'Odette'.

Nalaman ng KAMI na ilan sa mga kinanta ni Angeline ay ang "Iingatan Ka, "May Bukas Pa," and "Huwag Kang Mangamba."

Read also

Lassy, inaming siya ang dahilan kung bakit walang bagong video ang Beks Battalion kamakailan

Kapamilya hosts, naluha sa awitin ni Angeline Quinto para sa mga biktima ni 'Odette'
Photo: Angeline Quinto

Habang nagtatanghal si Angeline, ipinakikita rin kasi sa kanyang background ang mga video at larawang kuha sa mga apektadong lugar ng bagyo. Makikitang marami sa kanila ang nawalan ng tahanan at hindi pa alam kung makapagdiriwang pa ng Kapaskuhan gayung kulang o wala na silang makain.

Dahil dito, ipinakitang maging ang mga hosts na sina Bianca Gonzales at Robi Domingo ay hindi napigilang mangilid ang luha sa tindi ng emosyon.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ang benefit show na ito ay naglalayong makalikom ng tulong para sa mga nasalanta ng Bagyong Odette at hanggang ngayong ilang oras na lamang ang Kapaskuhan ay nanawagan pa rin ng makakain at maiinom.

Samantala, maging ang Kapuso couple naman na sina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo ay nagkaroon ng kahanga-hangangn inisyatibo sa muling paggamit nila ng 'StarTruck' na siyang maghahatid ng mga donasyon sa ilang nasalantang lugar ni 'Odette.'

Read also

Mayor Isko, sinuspinde ang klase sa buong Maynila mula Enero 14 hanggang 21

Matatandaang una nilang ginamit ito nang maghatid sila ng tulong noong Nobyembre 2020 sa mga labis na naapektuhan ng Bagyong Ulysses.

Tinatayang nasa 1500 na pamilya ang nahatiran nila ng tulong sa Alcala, Cagayan at nakalikom ng 849,000 na cash at in kind na donasyon.

Ngayong taon, bago muli ang Kapaskuhan, nanawagan sina Jennylyn at Dennis para makalikom ng tulong na ihahatid ng StarTruck sa mga.

Ilan sa mga lugar na pupuntahan ng StarTruck ay ang Cebu, sa Siargao, Bohol, Palawan at Negros.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica