Jennylyn at Dennis, naglilikom ng donasyon para sa mga nasalanta ni 'Odette' gamit ang 'StarTruck'

Jennylyn at Dennis, naglilikom ng donasyon para sa mga nasalanta ni 'Odette' gamit ang 'StarTruck'

- Nanawagan ang mag-asawang sina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo para makalikom ng donasyong ipamamahagi sa mga nasalanta ng Bagyong Odette

- Matatandaang noong nakaraang taon, nagsimula ang kanilang proyekto na 'StarTruck' na ginagamit nila para makapaghatid ng tulong sa mga apektado ng mga kalamidad

- At ngayong taon, muling bibiyahe ang StarTruck patungong Cebu, Bohol, Siargao at iba pang apektadong lugat ng Bagyong Odette

- Sisiguraduhin nilang maayos na makararating ang mga tulong dahil sa kanilang trusted partners sa mga apektadong lugar

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Kahanga-hanga ang inisyatibo ng mag-asawang Jennylyn Mercado at Dennis Trillo na makatulong sa mga nasalanta ng Bagyong Odette na nanalasa sa Visayas at maging sa Mindanao.

Nalaman ng KAMI na muling aarangkada ang proyektong 'StarTruck' nina Jennylyn na una nilang ginamit nang maghatid sila ng tulong noong Nobyembre 2020 sa mga labis na naapektuhan ng Bagyong Ulysses.

Read also

Mayor Sara, mabilis na kinuha ang alcohol nang mapabahing si BBM sa isang makulit na video

Jennylyn at Dennis, naglilikom ng donasyon para sa mga nasalanta ni 'Odette' gamit ang 'StarTruck'
Jennylyn Mercado at Dennis Trillo (Photo from Jennylyn Mercado's YouTube channel)
Source: Facebook

Tinatayang nasa 1500 na pamilya ang nahatiran nila ng tulong sa Alcala, Cagayan at nakalikom ng 849,000 na cash at in kind na donasyon.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ngayong taon, bago muli ang Kapaskuhan, nanawagan sina Jennylyn at Dennis para makalikom ng tulong na ihahatid ng StarTruck.

"Isang taon na po ang nakalipas at eto na naman po kami ulet nagbabalik para damayan ang ating mga kababayan na nasalanta naman ng dumaang Bagyong Odette," ani Jennylyn.

"Muling nanawagan kami sa inyong lahat na magpaabot ng tulong sa pamamagitan ng StarTruck," dagdag naman ni Dennis.

"Lahat po ng inyong donasyon at titiyakin naming makakarating sa Cebu, sa Siargao, Bohol, Palawan at Negros, katuwang po ng aming mga trusted coordinators at partner organizations," paninigurado naman ni Jennylyn.

Read also

Mga sanggol na nagkapalit sa ospital, pinamaskuhan ng kanilang Ninang Jessica Soho

Si Jennylyn Mercado ay isang Pinay actress, singer, songwriter, at host ng GMA-7. Isa rin siya sa mga kilalang endorsers at commercial model sa bansa. Una siyang nakilala sa reality search na StarStruck ng GMA kung saan siya ang nanalo. Isa sa mga hindi malilimutan niyang pagganap ay ang Pinoy remake ng "Descendants of the Sun".

Isa si Jennylyn at ang kanya na ngayong mister na si Dennis Trillo sa mga hinahangan ng marami pagdating sa pagtulong sa mga kababayan nating nangangailangan.

Matatandaan na noong 2020 isa sila sa mga agad na rumesponde sa paghingi ng tulong ng ating mga kababayang nasalanta ng Bagyong Ulysses. Ipagpapatuloy nila ito ngayong taon sa mga nasalanta naman ng Bagyong Odette na kumitil sa buhay ng nasa 300 nating mga kababayan.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel