Brenda Mage, labis na nag-aalala sa pamilya niyang nasalanta ng Bagyong Odette

Brenda Mage, labis na nag-aalala sa pamilya niyang nasalanta ng Bagyong Odette

- Labis na nag-alala si Brenda Mage para sa kanyang pamilya na nasalanta ng Bagyong Odette

- Dahil dito, binigyan siya ng pagkakataon ni Kuya na makapagbigay mensahe ang isang kaanak ni Brenda sa kanya

- Bagaman at nasa maayos na kalagayan ang kanyang mga kaanak, nag-alala siya para sa negosyo ng kanyang kapatid

- Nangangamba siyang magsimula muli ito sa umpisa gayung mayroon na silan naipundar

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Naging emosyonal si Brenda Mage sa loob ng bahay ni Kuya nang malaman niya ang matinding hagupit ng Bagyong Odette.

Nalaman ng KAMI na isa ang lugar nina Brenda na Misamis Oriental sa mga nasalanta ng bagyo na kumitil sa buhay ng mahigit na 300 na katao.

Dahil dito, minabuti ni Big Brother na mabigyan ng pagkakataon ang isa sa mga kapamilya ni Brenda na makapagbigay mensahe sa kanya.

Read also

Latest evictee na si Eian sa may pinakamaraming sakripisyo sa loob ng PBB: "It's Brenda!"

Brenda Mage, labis na nag-aalala sa pamilya niyang nasalanta ng Bagyong Odette
Brenda Mage (Photo from Pinoy Big Brother)
Source: Facebook

Ito ay upang sila mismo ang makapagsabi ng kanilang kalagayan at maibsan ang pag-aalala ni Brenda na nasa loob pa rin ng bahay ni Kuya.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ang nagbigay mensahe ay ang kanyang kapatid na si Charren Amestoso at kahit na sinabi nitong ligtas ang kanyang pamilya, hindi pa rin naiwasan ni Brenda ang patuloy na pag-aalala.

"Nararamdaman ko po sa boses ng ate ko po, ok po sila pero feeling ko po yung negosyo ng ate ko po kasi ngayon po kung mataas ang tubig umabot sa kalsada namin, malamang 'yung negosyo ko po na binigay sa kanila, feeling ko po nasalanta po 'yon," pag-aalala ni Brenda.

Gayunpaman, pinakalma siya bi Big Brother dahil ang mahalaga ay ligtas at walang napahamak sa pamilya ni Brenda.

Narito ang kabuuan ng video:

Read also

Brenda Mage, inaming ang kanyang ATM ang pinakamalaking naibigay sa kanyang BF

Isa ang Pinoy Big Brother ng ABS-CBN sa mga reality shows na pinakaaabangan sa Pilipinas. Sa naturang programa nagmula ang ilan sa mga mahuhusay na artista ngayon tulad nina Kim Chiu, Gerald Anderson, at James Reid.

Sa muling pagbubukas ng bahay ni Kuya ngayong 2021, season 10 na ng Pinoy Big Brother at pawang mga celebrity ang kanyang mga bisita at isa na rito ang komedyanteng si Brenda Mage.

Kamakailan, nag-viral ang post ng malapit na kaibigan ni Brenda Mage na si Juliana Parizcova Segovia. Pinalalabas na niya umano ang kaibigang si Brenda.

Nasasaktan na raw umano si Juliana sa mga pambabatikos sa kanyang kaibigan at sinabi nitong mas maisasalba ni Brenda ang kanyang pangalan kung makalalabas na siya ng Bahay ni Kuya.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel