Alex Gonzaga sa umano'y mga pamba-bash sa kapatid na si Toni; "Matapang talaga ate ko"

Alex Gonzaga sa umano'y mga pamba-bash sa kapatid na si Toni; "Matapang talaga ate ko"

- Natanong ni Karen Davila si Alex gonzaga kaugnay sa mga pamba-bash sa kapatid nitong si Toni Gonzaga

- Matatandaang matapos na maging host ng proclamation rally ng UniTeam ni Presidential candidate Bongbong Marcos, marami ang umano'y bumatikos kay Toni

- Ayon kay Alex, knukumusta naman niya ang kanyang ate na bagama't iniiba ang usapan, alam niyang matapang ito at kinakaya ang mga pinagdaraanan ngayon

- Aniya, bata pa lamang sila marami nang hinarap ang kanyang ate na tila nagpatatag sa kanya para harapin ang mga sitwasyong tulad ng dinaranas ngayon

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Kinumusta ni Karen Davila ang pamilya ni Alex Gonzaga lalo na ang ate nitong si Toni kaugnay sa umano'y pamba-bash na natatamo nito kamakailan.

Alex Gonzaga sa umano'y mga pamba-bash sa kapatid na si Toni; "Matapang talaga ate ko"
Alex Gonzaga sa umano'y mga pamba-bash sa kapatid na si Toni; "Matapang talaga ate ko"
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na panauhin ni Karen si Alex sa pinakabago niyang vlog at isa sa napag-usapan nila ay ang pamabbatikos na tinamo ng kapatid buhat nang maging host sa proclamation rally ng UniTeam ni presidential candidate Bongbong Marcos.

Read also

Atty. Guanzon, ikinuwento ang naranasan sa ama kaya galit umano siya sa mga magnanakaw

"During that time when my sister yung nakakaharap siya, Iti-text ko siya, 'Ate, okay ka lang ba?' Iba yung sine-send niya saking mga topics... about Seve. So knowing my sister, she's astrong person. And I know hindi siya dadalhin ni Lord 'dun kung 'di siya ready."

Kwento pa ni Alex, bata pa lamang si Toni nakararanas na umano ito ng pamba-bash na para sa kanya, iyon ang lalong nagpatatag sa kanyang kapatid.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narito ang kabuuan ng panayam kay Alex mula sa YouTube channel ni Karen Davila:

Si Celestine Cruz Gonzaga-Soriano, o mas kilala bilang si Toni Gonzaga, ay isang kilalang Filipina singer, television host, actress, producer at entrepreneur. Siya ang panganay na kapatid ng isa rin sa kilalang aktres, TV host at vlogger na si Alex Gonzaga.

Read also

Toni Gonzaga, pinasalamatan ang milyon-milyon pang nadagdag sa kanyang subscribers

Isa rin siya sa mga kilalang YouTube content creator kung saan na-interview niya ang ilang mga kilalang personalidad sa bansa kabilang na ang ilan sa mga matutunog na presidentiables para sa darating na eleksyon na sina Mayor Isko Moreno, Senator Manny Pacquiao, Vice President Leni Robredo at si Bongbong Marcos na kanya umanong sinusuportahan.

Kamakailan ay pinasalamatan niya lahat ng kanyang mga supporters gayung umabot na sa 7 million ang Instagram followers niya habang pumalo na sa limang milyon ang YouTube subscribers niya.

Kasunod nito ay ang pag-anunsyo ni Toni ang kanyang paglisan bilang main host ng Pinoy Big Brother na naging programa niya sa loob ng 16 na taon.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel