Cong TV, napatakbo sa tuwa nang malamang boy ang baby nila ni Viy Cortez

Cong TV, napatakbo sa tuwa nang malamang boy ang baby nila ni Viy Cortez

- Talagang napatakbo sa tuwa si Cong TV nang malamang baby boy ang kanilang panganay ni Viy Cortez

- Masaya at makulit na gender reveal ang kanilang dinaos na dinaluhan ng kanilang pamilya at malalapit na kaibigan

- Ani Viy, boy talaga ang gusto niyang maging panganay nila ni Cong gayung puro babae na sila sa kanyang pamilya

- Halos hindi naman makapagsalita sa umaapaw na saya si Cong habang papunta sila sa ikalawang venue ng kanilang gender reveal party

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Bigla na lamang daw nawala at nagtatakbo na pala sa tuwa si Cong TV nang malamang boy ang first baby ni Viy Cortez.

Nalaman ng KAMI na nagsagawa ng isang bonggang gender reveal party ang kilalang couple para sa kanilang pinakaaasam na baby.

Cong TV, napatakbo sa tuwa nang malamang boy ang baby nila ni Viy Cortez
Cong TV and Viy Cortez (Photo: Viy Cortez)
Source: Facebook

Dalawang venue ang pinagdausan ng gender reveal. Una silang nagpunta kung saan inabangan nila ang kulay na lalabas sa helicopter o chopper.

Read also

Robin Padilla, naluha sa kalagayan ng mga maliit na artistang nais niyang matulungan

At nang lumabas ang kulay blue, doon biglang nawala si Cong sa tabi ni Viy na nagtatakbo na pala sa sobrang saya.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Halos lahat ay naging emosyonal sa sobrang kasiyahan para sa vlogger couple.

At nang papunta na sila sa ikalawang venue kung saan idaraos ang party, halos hindi makapagsalita si Cong nang matanong na ito ni Viy.

"Nung nalaman kong boy, hinahanap ko si Cong hindi ko siya makita, asan ka ba?"

"Sorry ah, naiwanan kita. Sobrang saya ko talaga," paliwanag ni Cong.

Kwento pa ni Viy, lalaki talaga ang gusto niyang maging anak dahil puro babae na sila sa kanilang bahay.

Narito ang kabuuan ng masaya at makulit nilang gender reveal party na ibinahagi sa YouTube channel ni Viy Cortez.

Sina Cong TV and Viy Cortez ay kilalang online personalities na sumikat sa kanilang mga vlogs. Si Cong TV ay bahagi ng kanyang Team Payaman na kinabibilangan nina Junnie Boy, Pat Velasquez, Boss Keng at iba pa.

Read also

Angeline Quinto, masayang ipinasilip ang ultrasound ng kanyang baby boy

Si Viy ay kilala rin sa kanyang beauty and skin care business na Viy Line cosmetics.

Isa lamang si Viy sa mga kilalang personalidad na kasalukuyang nagbubuntis. Ilan sa iba pang excited nang makilala ang bagong miyembro ng kanilang pamilya ay sina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo gayundin si Iya Villania at Drew Arellano.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel