Pagkamatay ni Jonel Nuezca, kinumpirma na ng BuCor; labi, ipinasilip

Pagkamatay ni Jonel Nuezca, kinumpirma na ng BuCor; labi, ipinasilip

- Kinumpirma na ng Bureau of Corrections ang pagkamatay ng dating pulis na si Jonel Nuezca na nakabaril umano sa mag-ina sa Tarlac

- Nagreklamo lamang umano itong nahihilo at bago pa man makarating sa ospital ay hinimatay na ito

- Hindi pa man kumpirmado ang dahilan ng pagkamtay ni Nuezca, ipinasilip naman ang labi niya

- Ito ay dahil matapos na ianunsyo sa publiko ang kanyang pagpanaw, sa kasamaang palad tila nagduda umano ang ilang netizens

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Kinumpirma na ng Bureau of Corrections ng New Bilibid Prison ang pagpanaw ng dating pulis na si Jonel Nuezca noong Martes ng gabi, Nobyembre 30.

Nalaman ng KAMI na mismong si BuCor spokesman Gabriel Chaclag ang nagsapubliko ng sinapit ni Nuezca na nagreklamo lamang umanong nahilo.

Agad naman itong dinala sa ospital subalit bago pa man makarating sa New Bilibid Hospital, nawalan na raw ito ng malay.

Read also

PBB TJ, emosyonal dala ng nalalapit na eviction: "Posibleng-posible na umuwi na ako"

Pagkamatay ni Jonel Nuezca, kinumpirma na ng BuCor; labi, ipinasilip
Jonel Nuezca (Photo from Peach Prosa)
Source: Facebook

“He was brought unconscious to the NBP Hospital by his cell mates at 6:30 PM yesterday while walking outside the dormitory purposely to go to the hospital after complaining of dizziness. But while walking, he collapsed,” pahayag ni Chaclag.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa ulat ng 24 Oras, ipinasilip ng bahagya ang labi ni Nuezca bilang karagdagang pagkumpirma na pumanaw na talaga ito.

Ilang netizens ang nagkomento na nais nilang makumpirma na talagang namayapa na nga ang dating pulis na nakabaril sa mag-ina sa Tarlac.

Samantala, patuloy naman ang imbestigayon sa anggulong foul play sa pagkamatay ni Nuezca.

Maaalalang Disyembre 20 noong 2020 nang gumulantang sa social media ang nag-viral na video ng aktwal na pamamaril ng pulis na si Jonel Nuezca sa nakaalitang kapitbahay na sina Sonia at Frank Anthony Gregorio.

Read also

Nagpabakuna kontra COVID-19, nagka-love life at magkasabay na sa kanilang 2nd dose

Isa si Raffy Tulfo sa mga tumututok sa kaso ni Jonel Nuezca upang masigurong makakamit ang pamilya Gregorio ang hustisya.

Matatandaang nito lamang Agosto nang makapanayam ni Tulfo ang mister ni Sonia Gregorio na siyang nagbalitang nasintensyahan na umano si Nuezca.

Agosto 26, inilabas na ang sintensyang reclusion perpetua kay Nuezca o ang 40-taon na pagkakabilanggo na walang piyansa.

Labis ang kasiyahan ng pamilya Gregorio dahil nakamit nila agad ang hustisya sa pagkamatay ng dalawang mahal nila sa buhay.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica