Mura, inanunsyong magkakaroon na siya ng sariling YouTube channel

Mura, inanunsyong magkakaroon na siya ng sariling YouTube channel

- Makailang beses na nabanggit ni Mura na magkakaroon na siya ng sariling YouTube channel

- Sa munting salo-salo para sa ika-40 days na pagpanaw ng kaibigang si Mahal, humingi na ng suporta si Mura sa mga manonood para sa kanyang YouTube channel

- Makakasama raw ni Mura sa kanyang channel ang pamangkin na siyang tutulong sa kanya sa pagba-vlog at pag-upload ng video

- Kapansin-pansin ang panumumbalik ng sigla ni Mura at marami ang nagnanais na maging tuloy-tuloy na muling pagbibigay saya niya sa publiko

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Magkakaroon na ng sariling YouTube channel si Mura. Ito ay matapos na makailang beses niya itong banggitin sa vlog kung saan makikitang dumalo siya sa salo-salo sa pag-alala sa ika-40 days ni Mahal.

Nalaman ng KAMI na matapos na makabisita ni Mura sa puntod ni Mahal, nakadalo rin ito sa pagtitipon ng mga nagmamahal sa yumaong kaibigan.

Read also

Jeric Raval, naalibadbaran sa suot niyang bra, stiletto at leggings sa bagong pelikula

Mura, inanunsyong magkakaroon na siya ng sariling YouTube channel
Mura (Photo from Virgelyncares 2.0)
Source: Instagram

Doon, nanghingi na siya ng suporta sa netizens para sa sarili niyang YouTube channel.

"YouTube channel ko po... Sana po suportahan niyo po kami ng pamangkin ko," pahayag ni Mura.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Makakasama niya sa kanyang channel ang kanyang pamangkin na siyang tutulong din sa kanya sa pag-upload ng kanilang video.

Sa isa pang video na mula pa rin sa channel na Mahalmura Padua, makikitang tila nagpa-praktis na sina Mura at pamangkin nito para sa magiging intro nila.

"'Yan mga ka-manay ka-manoy, welcome po dito sa ano ba 'yun, YouTube channel ko... mga ka-legit"

Narito ang kabuuan ng video na ibinahagi ng Mahalmura Padua YouTube channel:

Si Allan Padua o mas kilala bilang si "Mura" ay mula sa Guinobatan, Albay. Una siyang nakilala nang sumali siya sa isang contest sa Masayang Tanghali Bayan, isang noontime show sa ABS-CBN. Mas nakilala siya nang gawin siyang kakambal ni Mahal Tesorero. Nang humina ang kasikatan ng tambalang Mahal at Mura, isinapubliko ang tungkol sa tunay na kasarian ni Mura.

Ilang linggo bago pumanaw ang kaibigang si Mahal ay nabisita pa siya nito sa Bicol para personal na kumustahin at bigyan ng tulong. Ito ay matapos na maibahagi ng vlogger na si Marco Rodriguez o mas kilala bilang si "Mama Virgelyn" ng Virgelyncares 2.0 ang sitwasyon ni Mura sa Bicol. Sa ika-40 days ng pagpanaw ni Mahal, nakadalaw na rin sa puntod nito si Mura.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica