Mura, nakadalaw na sa puntod ng dating ka-tandem na si Mahal Tesorero

Mura, nakadalaw na sa puntod ng dating ka-tandem na si Mahal Tesorero

- Sa pagdiriwang ng ika-40 araw ng pagpanaw ni Mahal Tesorero, marami sa kanyang mga tagahanga ang pumunta sa kanyang puntod

- Maging ang mga kapamilya ng komedyante ay naroon at nakipagsalitan na lamang sa mga fans upang mapagbigyan ang mga itong makadalaw kay Mahal

- Lumabas din sa mga pictures na naibahagi online ang dating katambal ni Mahal na si Mura na kanya pang binisita bago ito pumanaw

- Matatandaang hiling ni Mura na madalaw man lamang ang kanyang kaibigan dahil hindi ito nakapunta sa kanyang libing

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Natupad ang kahilingan ni Mura na makapunta sa puntod ni Mahal Tesorero. Ito ang kanyang nasabi noong pumutok ang balita kaugnay sa pagpanaw ni Mahal. Hindi siya nakapunta noong libing ng kaibigan kaya marami sa mga fans ni Mahal ang masaya na nakapunta si Mura sa ika-40 araw ng pagpanaw ni Mahal.

Read also

Mura Padua, dinagsa ng kanyang mga fans sa kanilang bahay

Mura, nakadalaw na sa puntod ng dating ka-tandem na si Mahal Tesorero
Allan "Mura" Padua (Photo from Virgelyncares 2.0)
Source: Instagram

Bago pumanaw si Mahal, naging trending pa ang video kung saan pinuntahan nina Mahal at Mygz Molino si Mura sa bahay nila na nasa liblib na lugar.

Kinaantigan ang mga pahayag ni Mahal para sa kaibigan na gustong-gusto niyang tulungan. Nagbalak pa itong ipapa-therapy si Mura upang makabalik na ito sa pagtatrabaho.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Mura o Allan Padua sa tunay na buhay ay mula sa Guinobatan, Albay. Una siyang sumikat nang sumali siya sa isang contest sa Masayang Tanghali Bayan. Una siyang pinakilala bilang kakambal ni Mahal Tesorero.

Nang dumating sa punto na humina ang kasikatan ng tambalang Mahal at Mura, isinapubliko na na isang lalaki si Mura. Naging bahagi siya kinalaunan ng ilang Kapuso shows kagaya ng Majika, Captain Barbell, Super Twins, at Magic Kamison.

Read also

Aktwal na video ng pagdalaw ni Mygz sa puntod ni Mahal, umantig sa mga netizens

Matatandaang matapos sumikat ang video ng vlogger na si Virgelyncares, marami ang nakapansin at nais tumulong kay Mura. Kabilang nga sa pumunta sa kanya ay ang dating ka-tandem nito na si Mahal Tesorero.

Naging masaya ang kanilang muling pagkikita. Gayunpaman, napalitan ang kasiyahang iyon ng kalungkutan matapos lumabas ang balitang pumanaw na si Mahal.

Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel