VP Leni Robredo, inalala ang controversial outfit na pinuna ng ilan: "Akala nila signature"
- Inalala ni Vice President Leni Robredo ang kanyang controversial outfit noong nakaraang taon
- Inakala raw talaga ng marami na pinaghandaan niya ang kanyang isusuot para umano magmukha siyang presidentiable
- May ilan pang nagsabi na signature ang kanyang suot na agad niyang nilinaw na local brand ito
- Dahil dito, nakita niya ito bilang isang oportunidad na suportahan ang mga local brands at tumaas nga ang sales nang ipaalam niya mula ang kanyang naisuot sa Bayo
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Sa panayam ni Ogie Diaz kay Vice President Leni Robredo, isa sa mga natinong nito ay ang reaksyon ng ngayo'y tatakbo bilang Pangulo ng bansa sa kontrobersyal niyang outfit noong 2020.
Nalaman ng KAMI na naging usap-usapan noon ang ayos at suot na damit ni VP Leni na umano'y pinaghandaan daw nito upang magmukha siyang presidentiable.
Kaya naman ikinuwento ng bise presidente kay Ogie kung ano talaga ang nangyari nang i-record nila ang video na iyon at kung bakit ang kontrobersyal na damit ang kanyang napiling suotin.
"Actually, nag-record kami noon hapon. Marami na akong events in the morning, Hindi 'yun yung suot ko"
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
"Kasi sa labas 'yung event ko, pagbalik ko dito nag-toothbrush ako kasi nag-lunch kami pag-toothbrush ko ang gamit kong toothpaste green 'yung color. Nahulugan 'yung suot ko and nagpalit ako"
"And yung shirt na sinuot ko 'dun yun yung shirt na nadito sa office. Kasi dito, naglalagay ako ng mga shirts para kung kailangang magbihis pwedeng magbihis," kwento ng bise presidente.
Nakita rin niya ito bilang isang oportunidad na i-promote ang produkto ng bansa gayung ang kanyang controversial outfit na ito ay mula sa Bayo na isang local brand.
"Sobrang na-proud ako kasi ang akala nila signature... So tingin ko opportunity siya para i-promote kung saan 'yun galing at galing 'yun sa Bayo na ang Bayo ay isang local brand na pwede nating ipagyabang"
Dahil dito, tumaas umano ang sales ng naturang local clothing brand lalo na at marami ang bumili ng katulad na damit ng bise presidente.
Narito ang kabuuan ng interview na mapapanood sa Ogie Diaz YouTube channel:
Si Leni Robredo ay ang kasalukuyang Bise Presidente ng Pilipinas. Siya ay misis ng namayapa na na si Jesse Robredo at nabiyayaan sila ng tatlong anak.
Oktubre 7 nang inanunsyo na ni Leni ang kanyang pagtakbo bilang Pangulo ng Pilipinas sa darating na Eleksyon 2022. Si Senator Kiko Pangilinan naman ang kanyang running mate na tatakbo bilang bise presidente.
Ilan sa mga makakatunggali niya at naghain na rin ng certificate of candidacy bilang susunod na mamumuno sa Pilipinas ay sina Senator Bato Dela Rosa, Manny Pacquiao at Isko Moreno.
Nito lamang Oktubre 8, maanghang ang naging patutsada umano ni Mayor Isko kay VP Leni patungkol sa pag-iwan nito sa kanyang dating partido. Hindi raw maaring magsalita ng tungkol sa pagkakaisa si VP Leni gayung hindi ito nakiisa sa Liberal Party at naghain ng kanyang kandidatura bilang independent candidate.
Source: KAMI.com.gh