Isko Moreno kay Leni Robredo: "Fake leader with fake color is a fake character"
- Maanghang ang umano'y mga patutsada ni Mayor Isko Moreno sa makakatunggali niya sa pagka-pangulo ng bansa sa Vice President Leni Robredo
- Inihayag ni Isko ang reaksyon niya nang malamang ang isang rason ng pagtakbo umano ni Robredo ay dahil kay Bongbong Marcos
- Matapang na sinabi ni Isko ang katagang 'yellowtards at pink na pala' sa kanyang pahayag
- Nararapat lamang daw na mamuhay na sa kasalukuyan at hindi sa nakaraan upang mas lalo pa umanong mapagbuti ang hinaharap
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Naging matitindi ang mga pahayag ni Mayor Isko Moreno patungkol umano sa sinasabing mahigpit na makakalaban niya sa pagka-pangulo ng bansa na si Vice President Leni Robredo.
Nalaman ng KAMI na nagpaaalala sa publiko si Isko ukol sa 'palitan ng kulay' na tila sumisimbolo umano sa pagiging isang 'pekeng namumuno.'
"Wag kayong malilinlang sa pagpapalitan ng kulay... Ang tanso, tubugin man ng ginto ay tanso pa rin,"
"A fake leader with a fake color is a fake character," mariing sinabi ng kasalukuyang alkalde ng Lungsod ng Maynila.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Mas lalong umigting ang kanyang mga patutsada nang mabanggit pa niya ang mga katagang 'yellowtards' na ngayon daw ay 'pink' na pala.
"Talaga? So 'yun lang ang dahilan niya? 'Yun lang ang dahilan niya kung bakit siya tatakbo? dahil laban sa mga Marcos na naman? Bakit kailangang uminog ang mundo namin ngayon sa away ng Marco at Aquino, Sa away ng anak ni Marcos at mga anak at kasama ng Yellowtards, ay pink na pala sorry"
Ito rin ang reaksyon umano ni Mayor Isko nang malamang ang pagkakaiba nila ng opinyon ni Robredo pagdating sa mga 'Marcos' at pagtakbo mismo ni dating senator Bongbong Marcos ang isa sa mga naging dahilan ng bise presidente sa kanyang pagkandidato bilang pangulo sa 2022 Elections.
Narito ang kabuuan ng pahayag ni Mayor Isko na naibahagi ng Rappler:
Si Francisco "Isko" Moreno Domagoso ay isa sa mga sikat na aktor sa Pilipinas. Siya na ngayon ang ika-27 na naging alkalde ng Lungsod ng Maynila. Kilala siya sa tawag na 'Yorme' ng kanyang mga tagasuporta sa kanilang lungsod.
Ginanap ang pag-anunsyo ni Mayor Isko ang kanyang pagkandidato bilang pangulo ng Pilipinas sa Baseco compound sa Tondo, Maynila noong Setyembre 22.
Sinundan ito ng kumpirmasyon na ang kanyang running mate na tatakbo bilang bise presidente ay ang kilalang doctor na si Doc Willie Ong.
Source: KAMI.com.gh