Mariel Padilla, napasigaw sa takot na malaglag sa sinasakyan niyang hinihila ng kalabaw

Mariel Padilla, napasigaw sa takot na malaglag sa sinasakyan niyang hinihila ng kalabaw

- Sa isang bahagi ng kanyang ibinahaging vlog ay pumunta sina Mariel Padilla at asawang si Robin sa bukid

- Sumakay si Mariel sa kinakargahan ng bigas na hinihila ng isang kalabaw

- Tawang-tawa naman si Robin nang mapasigaw si Mariel habang nakasakay ito dahil sa kanyang pangambang mahuhulog siya

- Kamakailan ay pumasyal sila sa Cuyapo, Nueva Ecija sa bahay ng Mama Eva ni Robin

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Hindi napigilang tumawa ni Robin Padilla sa asawa nitong si Mariel nang mataranta ito habang nakasakay sa kinakargahan ng bigas na hinihila ng isang kalabaw.

Habang nakaupo sa mga palay ay napakapit nang mahigpit si Mariel sa kanyang pangambang baka mahuhulog siya.

Mariel Padilla, napasigaw sa takot na malaglag sa sinasakyan niyang hinihila ng kalabaw
Photo from Mariel Padilla (@marieltpadilla)
Source: Instagram

Kasama ni Mariel ang kanilang dalawang anak na sina Gabriela at Isabella na first time umanong makapunta doon. Masayang masaya umano ang kanyang mga anak habang nakikipaglaro sa kanilang mga pinsan.

Read also

Jomar Lovena, binahagi ang video na "face reveal" ng anak niyang si Baby Sety

I'm super happy na for the first time, nakapasyal our family along with Mama Eva and go to the farm in Cuyapo, Nueva Ecija! ❤️ Ang tagal ko na rin hinihiling na mailabas naman ang mga bata for some fresh air kasi nasa bahay lang kami mostly this pandemic.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narito naman ang reaksiyon ng kanyang mga subscribers:

Ay buti nalang may part 2. love your family mariel keep safe
I really love watching ur videos ms mariel,the way u talk the way u laugh ur so cute! haha!
Ang cute ni Ms mariel! Walang arte!

Si Mariel Rodriguez-Padilla ay isang Filipina model, endorser, television host, VJ at aktres. Siya ay isang American Citizen. Ikinasal sila ng actor na si Robin Padilla noong Agosto 19, 2010 sa Taj Mahal sa India.

Read also

Alwyn Uytingco, pinasalamatan si Jennica Garcia hindi umano ito nag-give up sa kanya

Nagkakilala sila nang minsang naging guest host si Robin sa Wowowee kung saan regular na co-host naman si Mariel ni Willie Revillame. Mayroon na silang dalawang anak, si Isabella at Gabriela.

Kinabiliban ang mag-asawa dahil sa magandang pakikitungo nila sa kanilang mga kasambahay. Sa katunayan ay pinagawaan pa nila ito ng libreng pabahay.

PAALALA: Ang anumang mapanirang komento ay maaring makapahamak. Ang karapatan sa malayang pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay hindi nangangahulugang malayo tayong magbitiw ng mga masasakit at mapanirang mga salita. Laging isaisip, "Think before you click."

Source: Kami.com.ph

Online view pixel