Pari sa Sultan Kudarat, kinagiliwan dahil sa kanyang mga TikTok dance video
- Kinagiliwan ng marami ang isang pari sa Sultan Kudarat dahil sa mga TikTok video nito
- Kapansin-pansin kasi ang husay ng pari sa pagsasayaw na nagsilbing libangan niya ngayong pandemya
- Hindi maiiwasan na may ilang hindi natuwa sa kanyang mga ginagawa
- Subalit mas marami pa rin umano ang natuwa maging ang mga kapwa niya pari at sinabing ipagpatuloy lamang ang pagbabahagi ng kanyang talento
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Viral ngayon ang mga TikTok video ng isang pari sa Sultan Kudarat dahil sa husay nito sa pagsasayaw.
Nalaman ng KAMI na ito ay si Fr. Weng Pelingon na nakilala dahil sa kanyang mga KPop dance moves.
Sa panayam ng GMA News kay Fr. Weng, naikwento nitong libangan niya ang pagsasayaw lalo na ngayong pandemya.
Mula pagkabata ay mahilig na raw talaga siyang magsayaw kaya ngaman hanggang ngayon, naibabahagi pa rin niya ang kanyang talento dahil sa kanyang mga Tiktok videos.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Karamihan ng kanyang sinasayaw ay mula sa mga KPop girl group tulad ng Blackpink at Twice.
Aminado naman siyang medyo mahirap kasi ang mga steps ng mga sayaw ng grupong BTS.
Subalit, kung mayroong mga natuwa, hindi naman mawawala ang mga nangutya at tila hindi komportable sa pagsasayaw ng pari.
Gayunpaman, masaya pa rin si Fr. Weng dahil marami pa rin ang naaaliw sa kanya maging ang mga kasamahan niyang pari na nagsasabing ipagpatuloy lamang niya ang kanyang ginagawa.
Buhat nang mag-pandemya at maisailalim ang iba't ibang lugar sa bansa sa community quarantine, TikTok na ang libangan ng mga Pilipino.
Matatandaang maging ang Department of Health ay nagkaroon na rin ng TikTok videos bilang kampanya sa pagpapaala ng pag-iingat sa COVID-19.
Nito lamang Hulyo, isang lying-in clinic din sa Rizal ang nagbahagi ng video ng "Labor TikTok dance" ng mga pasyenteng buntis. Pati ang mga midwife na naroon ay nakisayaw.
Source: KAMI.com.gh