Sabay sa uso! DOH, nasa TikTok na rin upang magbigay tips kontra coronavirus

Sabay sa uso! DOH, nasa TikTok na rin upang magbigay tips kontra coronavirus

- Tampok sa social media ngayon ang TikTok video ng Department of Health

- Sumabay sa uso ang DOH upang magbigay ng tips para makaiwas sa Corona Virus Disease (COVID-19)

- Ilan nga sa mga tips na binigay nila ang paghuhugas lagi ng kamay at pagtatakip ng bibig sa tuwing uubo

- Samantala, ang ilang mga netizens naman ay natuwa rin sa TikTok video ng DOH

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Inanunsyo ng Department of Health (DOH) na sila ay nasa TikTok na rin. Ito ay isang social media application na patok na patok sa mga Pinoy ngayon.

Nalaman ng KAMI na ang DOH ay gumawa ng video upang magbigay ng tips kontra Corona Virus Disease (COVID-19).

Ibinahagi ng DOH ang kanilang kauna-unahang TikTok video sa kanilang Facebook page. Tatlong empleyado ng DOH ang makikita sa video na sumasayaw sa “The Weekend” challenge.

“DOH is officially on Tiktok! Learn protective measures against COVID-19 in this TikTok video! Join the #covidance challenge!” sabi sa caption ng kanilang post.

Nagbigay tips ang DOH na dapat ay palaging maghugas ng kamay, dumistansya ng hanggang sa isang metro sa mga tao, iwasang hawakan ang mukha, at takpan ang bibig sa tuwing uubo.

Ilang mga netizens naman ang natuwa dahil sumasabay sa uso ang DOH ngayon. Narito nga ang kanilang mga komento sa Facebook:

“Wow level up na ang DOH”
“Kuddos to DOH..getting better and better”
“love it..good thing naki sabay sa trend..another info drive..salamat po”

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Samantala, nauna namang naibalita ng KAMI na ang isang babae na pumuntang Australia matapos manggaling sa Pilipinas ay nagpositibo sa coronavirus.

Ang Corona Virus Disease ay naunang naitala sa Wuhan, China. Kasalukuyang nasa lagpas 3,000 na ang namamatay sa buong mundo dahil sa sakit na ito.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

TikTok dance challenges are taking over social media. HumanMeter is on point as always asking passers-by to dance to famous songs together with our host Andre on KAMI HumanMeter Youtube Channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel